Sinita Dahil Walang Helmet; Rider, Kulong Sa Damo

DAHIL SA hindi pagsusuot ng helmet habang nakamotorsiklo, nabisto ang dalang Marijuana ng isang lalaki sa Malabon City kamakalawa ng madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Richard Paul Brown, 26 ng Capillan St., San Agustin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw, nagsasagawa ng check point ang mga pulis sa Pinagtibas St., Potrero ng lungsod nang parahin ang suspek dahil walang suot na helmet habang dala ang isang motorsiklo.

Nang pabuksan ang compartment ng motorsiklo ay nakitaan ng isang nakarolyong dahon ng Marijuana na naging dahilan upang dalhin sa presinto at sampahan ng Illegal Possession of Dangerous Drugs.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.