Sinisira lang daw at gustong pabagsakin ang aktres Luis Manzano, dinipensahan si Jennylyn Mercado sa pagkaka-link sa iba’t ibang lalaki

PAGKATAPOS MAUGNAY ANG pangalan sa hiwalayan raw na Claudine Barretto at Raymart Santiago, heto’t nai-involve na naman si Jennylyn Mercado sa gulong nangyayari raw sa ngayon sa relasyong Lian Paz at Paolo Contis. Lumabas ang balita na galit na galit daw si Lian kay Jen dahil may espesyal raw na napapansin na namamagitan sa kanila ni Paolo, balitang nagsimula raw ito nang magkasama ang dalawa sa taping ng nawalang programang Futbolilits.

Agad naman naming hiningan ng reaksyon tungkol dito si Luis Manzano, rumored boyfriend ni Jennylyn at dinepensahan naman agad ng TV host/actor na gawa-gawa ito ng mga tao na ang pakay ay sirain ang pangalan at pabagsakin ang aktres.

Ikinuwento ni Luis na naimbitahan siya minsan ni Jen sa set ng Futbolilits, nasa isang mesa pa nga sila nila Paolo at dito ay wala siyang napansing kahit na anong espesyal na turingan na sinasabi sa dalawa. Ayon sa aktor, ‘di siya lakas-loob na iimbitahin ng rumored girlfriend kung may tinatago ang mga ito. Lohikal nga naman kung iisipin na kung may ginagawang kalokohan ang isang tao, bakit nito ilalagay ang sarili sa isang sitwasyon na mabubuko siya o may mahahalata sa kanya?

Dagdag na depensa rin ni Luis na inaanak ni Paolo si Jazz at may pagkakataon na nagkita-kita pa nga sila Jen, Paolo at Lian sa mall at nagsama-sama. Sa tanong namin kung nasaan na ba ang estado ng relasyon nila ni Jen, pasimple ang naging sagot sa amin ng TV host na he’s never been happier than before and everything fell now in proper places. ‘Di man diretsahang sagutin, alam na namin ang gustong ipahiwatig sa amin ni Luis.

Kinumpirma niya sa amin na by November, sigurado na ang pagsisimula ng taping ng Alta. Sa ngayon ay may mga revisions lang na ginagawa sa script at aminado si Luis na excited siya sa kanyang pagbabalik-teleserye dahil matagal-tagal na rin siyang ‘di nakakaarte, pagkatapos na mapanood siya sa pelikulang In My Life kung saan nanalo siya ng ilang awards.

 

PAGKATAPOS NG SINASABING alitan sa pagitan ng magkaibigang Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, heto’t may mga kuwentong lumalabas na kahit daw sina Toni at Bianca Gonzales ay pang-oncam lang daw ang nakikitang pagkakaibigan sa dalawa. Magkasama sila araw-araw sa PBB Unlimited.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, may mga nasasabi raw na hindi maganda si Bianca tungkol kay Toni ‘pag nakatalikod ito, kung saan inirereklamo raw ay ang pagiging primadonna raw sa set ng kapwa TV host.

Hindi kami makapaniwala dahil alam namin ang lalim ng pinagsamahan na rin ng pagkakaibigan nina Toni at Bianca at ang huli ay isa lamang sa mga tunay na kaibigan na itinuturing ni Toni sa showbizness. Sa pagkakaalam namin, si Bianca pa nga ang nagsilbing tulay para maayos ang samaan ng loob na namagitan kina Toni at Mariel.

Sa sinasabi namang pagiging primadonna raw ni Toni, alam namin kung gaano ka-professional at kadaling kausap at pakisamahan ni Toni.  Sa maraming pagkakataon na naimbitahan namin siya sa mga events ng PMPC, ‘di namin siya naringgan ng anumang reklamo gaano man siya katagal na naghihintay bago siya naisalang. Isa itong paratang na napaka-unfair na ikabit sa pangalan ng TV host/actress.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

8 thoughts on “Sinisira lang daw at gustong pabagsakin ang aktres Luis Manzano, dinipensahan si Jennylyn Mercado sa pagkaka-link sa iba’t ibang lalaki

  1. bakla naman yang babalung luis na yan. mukhang sandok.hahahaha
    naggagamitan silang dalawa para mapagtakpan kakatihan yung isa naman mapagtakpan kabaklaan. ladlad ka na sandok!!bwahahahahaha

  2. SEEN : Dapat piliin ni Luis Manzano ang mga isyu na kanyang pinapatulan at sinasagot. Nakasisira sa kanyang image ang pagsasalita tungkol sa mga eskandalo na kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.
    /via philstar, 11/11/11

  3. Ay anung konek ni Dennis kay Jen in regards to this issue? Hoy, Jen fan, nag-iisip ka pa ba? O wala ka na ring common sense gaya ng idol mo? Tignan mo nga wala nang new album, movie and soap yang idol mo, panay hosting na lang kaso bano na. Stuck na siya as a newscaster. Pwede ba? Kung may common sense ka pa, just shut the hell up like what the KSP couple should be doing anyway. Mga papampam!!!

  4. si anonymous at pandak DT ang naninira kay Jennylyn Mercado,kasi dennis trillo is woman beater hahaha o sagutin mo e2 anonymous,balik ako mamaya basahin ko ang resbak ninyo ni DT. ke magkatuluyan si good boy Luis o hindi ni JM its their life be happy na lang

  5. Ito nanaman ang KSP couple. Pilit pinababango ang name ni Jen… Hindi naman talaga mabango. Amoy malandi lang at panis! Pwede ba Luis, tigilan mo na ang pagsagut-sagot sa mga issue na hindi mo naman kelangan sagutin. May quote ka pa na someone wants her down, eh si Jen naman mismo ang sumisira sa sarili niya. Mahiya nga kayo!

  6. i noticed si Luis lang ang nagtangol kay JM,saludo ako kay Vi the way she brought up Luis,plus edukadong tao si Luis,JM is very Lucky to have Luis.Wish you well to both of you

Leave a Reply

Your email address will not be published.