Siningitan sa Pila; Driver, Patay sa Sinitang Kapwa Driver

DEAD ON arrival sa pagamutan ang isang tricycle driver makaraang barilin ng kasamahan nito matapos mapikon nang sitahin ng una ang huli dahil sa pagsingit sa pila ng tricycle sa Quezon City.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Romeo Dizon Sr., 45, residente ng Phase 3, Area B, Lupang Pangako, Payatas B, Quezon City.

Habang ang salarin ay kinilalang si Vicente Martoña, alyas Dodong at residente ng Lupang Pangako, Payatas B, Quezon City.

Nangyari ang pamamaril alas-12:10 ng tanghali sa LPUPP Toda (Payatas B Tricycle Terminal) na mata-tagpuan sa Phase 4, Area B, Lupang Pangako, Payatas sa nasabing lungsod.

Bago ang pamamaril, sinita umano ni Dizon si Martoña dahil sa pag-o-overtake nito sa pila ng kanilang hanay.

Dahil dito, nairita si Martoña at kinumpronta si Dizon na nagresulta sa mainitang pagtatalo.

Sa kainitan ng pagta-talo ay binunot ni Martoña ang kanyang baril saka itinutok sa ulo ni Dizon, sabay kalabit sa baril pero hindi pumutok.

Dahil dito, agad na umalis si Dizon sa lugar ngunit si¬nundan pa rin siya ni Martoña.

Nang maabutan ay saka muling binaril ito sa ulo dahilan upang bumulagta ang duguang biktima.

Matapos ang  pamamaslang ay mabilis na tumakas ang salarin patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Sa ngayon, pinaghahanap na ng kinauukulan ang naturang suspek.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.