Sinibak Na Deputy Ombudsman, Ibalik – SC

INIUTOS NG Surpeme Court (SC) sa Palasyo na ibalik sa serbisyo si Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III.

Base sa desisyon ng Korte Suprema, hindi pasok sa constitutional standard na betrayal of public trust ang alegasyon ng Malacañang na nagkasala sa kasong administratibo si Gonzales partikular ng neglect of duty at misconduct.

Maaalala na sinibak sa serbisyo si Gonzales dahil sa alegasyon na maling paghawak sa kasong administratibo ng isang police officer na nang-hostage sa Luneta noong Agosto 23, 2010.

Nakapaloob sa kautusan ang pagbibigay ng backwages at iba pang benepisyo ng Deputy Ombudsman.

Gayunman, nilinaw ng SC na hindi ito nangangahulugang ligtas na sa anumang pananagutan si Gonzales sakaling ito’y may nagawang pagkukulang sa pagganap sa kanyang tungkulin.

Kaugnay nito, inatasan naman ng Korte Suprema ang Ombudsman na magsagawa ng kaukulang pagsisiyasat at ipataw ang nararapat na kaparusahan.      (PARAZZI REPORTO-

RIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.