Sinibak na Batangas Police Chief, Balik-Puwesto

IBINALIK SA kanyang puwesto ang sinibak na provincial director ng Batangas-PNP kasunod ng naganap na pag-aresto at pamamaril sa isang sibilyan sa San Juan, Batangas.

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nagdesisyon ang PNP Internal Affairs Service na ibalik sa puwesto si Batangas Police chief Rosauro Acio dahil wala naman itong direktang partisipasyon sa police operation kung saan nasawi si Fernando “Pandoy” Morales na umano’y aide ng pinaghihinalaang Jueteng operator na si Vic Siman.

Maaalala na kasamang nasibak noon sa puwesto sina Supt. Raul Tacaca, head ng Provincial Intelligence Office; Chief Inspector Rodolfo Ama, hepe ng Batangas SWAT; Supt. Elpidio Ramirez, hepe ng San Juan Police; at iba pang kagawad ng pulisya.

Samantala, sinasabing may kaugnayan ang pagpatay kay alyas Pandoy sa naganap na operasyon sa Atimonan, Quezon kung saan nasawi si Siman kasama ang 12 iba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.