Single Mom, Patay sa Onsehan sa Droga

PATAY ANG isang single mother makaraang barilin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang suspek na humarang sa dinaraanan nito sa Navotas City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Maria Leonora Tongco, 38, residente ng Pescador 2, North Bay Boulevard North, ng nasabing lungsod.

Base sa report ng mga awtoridad, mag-isang naglalakad ang biktima sa may Miguel St., NBBN, nang lapitan at barilin sa ulo ng isa sa mga salarin.

Pagbagsak ng biktima ay lumapit ang isa pa at binaril din sa katawan ang una habang nagsilbing look-out ang ikatlong suspek.

Agad namang tumakas ang tatlong salarin makaraan ang pamamaril.

Sa ngayon, blangko pa rin ang mga kinauukulan sa motibo ng mga salarin ngunit nakatuon ang pagsisiyasat sa posibleng may kaugnayan ito sa onsehan sa droga.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.