Single mom, kulong sa 3 puso ng saging

NAHAHARAP NGAYON SA kasong theft ang isang “single mom” matapos na tangayin ang tatlong pirasong puso ng saging sa isang palengke kahapon ng umaga sa San Juan City.

Kinilala ng pulisya ang inasunto na si Annabelle Pablo, 36 anyos, walang trabaho, residente ng # 44 Narciso St. Brgy. Corazon de Jesus ng nasabing lungsod.

Ang ginang ay inireklamo ng vegetable stall owner na si Felipe Tampoc, 49 anyos, may asawa, residente naman ng Lot 81, Brgy. Sta Ana, Taytay, Rizal.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa Agora market, San Juan City.

Nabatid sa record ng pulisya na biglang itinakbo ng suspek ang mga puso ng saging nang malingat ang bantay dahilan para magkaroon ng habulan.

Nakorner ang ginang sa tulong ng iba pang mga tindero sa nasabing palengke at dinala sa himpilan ng pulisya.

Narekober sa kanyang pag-iingat ang tatlong piraso ng puso ng saging na nagkakahalaga ng P50 at dalawang piraso ng bawang na nagkakahalaga naman ng P10.            (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.