Singil sa Kuryente, Tataas Ngayong Setyembre

MULING TATAAS ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Setyembre.

Sinabi ng pamunuan ng kumpanya na dagdag na P0.18 kada kilowatt hour (kWh) ang ipapataw nila para sa generation at transmission charge.

Ito’y dahil anila sa pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at pagmahal ng transmission fees.

Ibig sabihin, P34.93 ang madadagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 200kWh kada buwan. P52.40 naman sa 300 kWh users, P69.87 sa 400 kWh users, at P87.34 sa mga gumagamit ng 500 kWh.

Samantala, nagkakasa na ng kilos-protesta ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Inihayag naman ni TUCP Spokesman Alan Tanjusay na maliit ang inaprubahang P10 umento sa suweldo sa mga taga-National Capital Region (NCR) dahil bukod sa dagdag-singil sa kuryente, nakaamba na rin ang pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), singil sa tubig at Social Security System (SSS) premiums.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.