Singil sa Kuryente, Bababa Ngayong Buwan

NAKATAKDANG MAGPA-TUPAD ng pinakamalaking bawas-singil ngayong taon ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Setyembre.

Sinabi ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco na kabuuang P1.73 kada kilowatt hour (kWh) ang kanilang ibababa sa singil ngayong buwan dulot ng normal na pagbabalik ng operasyon ng Malampaya natural gas facility, pagbaba ng demand at paggana ng mas maraming hydropower plants.

Binubuo ang bawas-singil ng pinagsama-samang P1.34/kWh sa generation charge, P0.14/kWh sa transmission charge, at P0.16/kWh sa system loss charge.

Dulot nito, tatamasa ng P174.73 ang mga konsyumer na may 101 kWh; P345 sa 200kWh; P518 sa 300 kWh; P690 sa 400 kWh at P863 sa 500kWh na konsumo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.