Singer na hard drinker, humihilata sa dance floor ‘pag nalalasing!

NASANIBAN ‘YATA NG kung anumang espiritu ang sexy actress na ito nang nakausap namin dahil tuluy-tuloy ang kanyang kuwento sa “friendship” niyang singer na lately ay madalas daw uminom ng hard drink at humiga sa dance floor kapag lasing.

“Nakakaloka talaga ang friendship ko na ‘yon.

“Aba, lately kasi e, laging nagyayayang gumimik kaya ilang beses din naming siyang pinagbigyan.

“In fairness naman e, puro mga girlets kami kapag lumalabas. Walang boys para masaya at ang mga boys ang pinagti-trip-an namin.

“Kaya lang, nakakaloka ‘yon dahil ang lakas niyang uminom ng hard drinks ngayon at kapag tinatamaan na e, ‘saka hihiga sa ledge o sa dance floor.

“Kahit kami e, hindi siya mapigil dahil talagang bagsak siya kapag wasted.

“Dahil sa kalokahan namin e, lagi naming siyang kinukunan ng picture kapag wasted at nakahiga sa dance floor, pero hindi naman namin ‘yon pinagkakalat dahil personal copy lang namin ‘yon ng barkada,” ang panimula pero mahabang kuwento sa amin ng sexy actress na kagagaling lang sa ibang bansa kasama ang iba pang mga celebrities.

Ang kanyang tinutukoy na personalidad ay may sarili ring problema sa kanyang lovelife pero mukhang ine-enjoy na lang niya ang sarili sa pamamagitan ng gimik left and right.

Maya-maya pa e, himirit pa ang aming kausap pero this time, may kasama nang clue.

“Kung sa bundok ng basura (gaya ng smokey mountain) siya hihiga at magiging wasted, naku, siguradong pagpi-piyestahan siya ng mga lamok at hindi siya makakarating sa paraiso. Ha-ha-ha!”

At gaya ng naipangako namin sa aming kausap, hindi namin ire-reveal ang name ng kanyang “friendship”. Iba-blind item lang… je,je,je!!!

PARANG SI APRIL ng nasibak na Wowowee ang pagkakabigkas ni Liezel Sicangco ng “Congratulations!!!” nang kinunan siya ng message tungkol sa pagpapakasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa Baguio.

Over the weekend e, naka-text-an din namin si Liezel at mukhang happy na rin naman siya dahil natupad na rin ang kanyang kagustuhan na makapiling niya sa Australia ang kanyang anak na si Allih.

Kung kami ang tatanungin, base sa mga text messages sa amin ni Liezel e, mukhang sincere siya sa kanyang mga mensahe para sa kanyang ex-husband at kay Mariel.

Ang gusto kasi niya e, parehong maging happy ang bagong kasal at ‘wag nang humanap ng iba para forever na raw maging magkasama sina Robin and Mariel.

Hmmm… puwede ba naman kaya kay Binoe ‘yon? Na mukhang literal na pinapakasalan ang bawat babae sa lahat ng simbahan… ja,ja,ja!!!

Pero teka! Bakit kaya may nagte-text din sa amin na isang personalidad na nagke-claim na common friend nina Binoe at Liezel na nagsasabing dusa ang inabot ng mother nina Allih, Queenie and Kylie sa piling ng action star? True kaya ‘yon?

Sayang! Hindi namin nai-follow-up question kay Liezel. Naubusan na kami ng load. Hek,hek,hek!!!

LAGI NA LANG ginagawang negatibo ang pagkakaroon ng mga bagong shows ni Willie Revillame.

Pero teka. Hindi ba’t magbibigay ito ng pera at tulong sa madlang pipol? Hindi ba’t mas marami na ngayong game shows na puwedeng pagpiliang puntahan ng ating mga kababayan?

In terms of TV competition naman e, hindi ba’t mas maganda nga ‘yon dahil mas matsa-challenge ang mga kalabang programa na mas lalo nilang pagandahin ang kanilang mga shows dahil sa pagpasok muli ni Willie? Mas marami tuloy ang pagpipilian ng ating mga viewers?

Kumbaga e, bukod sa paramihan ng datung na ipamimigay e, pagandahan na rin ng quality na kanilang ibibigay sa televiewers… ‘di ba? ‘Di ba?

Kaya dahil diyan, i-welcome na lang natin ang pagbabalik ni Papi sa TV dahil sa ayaw at sa gusto ng iba riyan e, nandiyan na siya ulit. Hek,hek,hek!!!

For reaction, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

13 thoughts on “Singer na hard drinker, humihilata sa dance floor ‘pag nalalasing!

Leave a Reply

Your email address will not be published.