SINGER, MANANAPAK DAHIL NASAPAWAN NG SIKAT NA CELEBRITY!

BLIND ITEM: Kinsa siya? Sino itong singer na nagtaray sa isang event dahil hindi makadaan sa dami nang nagkagulong fans at media sa isang sikat na celebrity?

Well, ganito ang nangyari ayon sa aming very reliable source. Patapos nang magsalita sa entablado ang sikat na celebrity nang dumating itong singer na imbitado din sa event. Tiyempong palabas na si Sikat na Celebrity at siya namang pagpasok ng singer. Dahil hot item si Sikat na Celebrity, pinagkaguluhan siya ng fans at media, pati na ang mga security ay nakipagkarera na rin sa pagbantay sa kanya.

Itong si Singer ay naipit sa rami ng tao, kaya naman nagtaray na ito. At ayon sa aming source, nagsalita raw ito nang “Mananapak ako!” or words to that effect.

‘Kaloka, huh!Sana hindi na lang sumabay si Singer sa paglabas ng Sikat na Celebrity dahil talagang pagkakaguluhan ito kaysa sa kanya. ‘Yun na!

DUMALO kami sa isang government event nu’ng Martes ng hapon, kung saan guest speakers sina KC Concepcion, John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao, at iba pang celebrities. Nagpaalam kami sa handler ni KC na makakuha ng interview, kahit maiksi lang, dahil hot ang isyu sa kanila ni Piolo Pascual. Ipinaalam naman ng handler sa Star Magic at okey naman ang kanilang pamunuan. Pero bago pa namin siya makapanayam, todo bilin na ang kanyang handler na tungkol lamang sa event ang dapat itanong.

Pagkatapos magsalita si KC sa stage, agad itong iginiya ng mga security palabas sa fire exit, pero dahil sa rami ng media na gusto siyang makapanayam, talagang humabol kami sa kanya hanggang sa parking ng mall.

Nagpaunlak naman si KC ng ilang katanungan, pero nang itanong na namin ang sa kanila ni Piolo sa Valentine’s Day, sumabat na ang kanyang handler na bawal itong itanong. ‘Kaloka, huh! Pero dahil mapilit kami, sinundan pa rin namin si KC hanggang sa siya ay makasakay sa kanyang sasakyan. Tanging smile na lang ang nakuha naming sagot sa tanong namin.

Bakit kaya ayaw pag-usapan ni KC ang kanyang lovelife?

NAKAUSAP namin si Ara Mina sa opening ng Posh Nails sa Robinson’s Galleria. Nilinaw namin sa kanya kung totoong nagalit siya sa paglabas ng litrato ng kanyang non-showbiz boyfriend sa media?

Ayon kay Ara, wala na raw siyang magagawa, at kahit ang BF niya na connected sa isang media outfit ay natawa na lamang daw. Pahabol pa ni Ara, “Nagpapabili pa nga siya ng mga diyaryo, kasi, gusto niyang makita ang histura niya! Hahaha!”

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 mn), Paparazzi (Sundays, 4 PM), at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM (daily, 4 to 6 PM)!

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.