Singer-actress, pinabayaan daw ng network kaya nag-ober da bakod!

OLA CHIKKA!! TALAGA namang nagulat ako rito sa kahusayan ng anak-anakan kong si Powkang sa pag-i-impersonate ng mga celebrity, ah! Na dahil sa kanyang kakaibang performance ay hmmm… naging kontrobersiyal ang ilan sa mga ito tulad ng kay Mommy Dionisia na tinawagan pa siya mismo ng Pambansang Kamao na si Pacman upang kumprontahin.
Say mo?!

Si Annabelle Rama, nagbalak magsampa ng demanda laban sa kaniya, taray!! At ngayon naman ang pinag-uusapang spoof niya sa NNNN ng ABS-CBN bilang Mharlyn as in M H A R L Y N  Aguilar.

Sino nga ba naman ang hindi hahanga at matutuwa sa kanya dahil halos kaliit-liitang detalye ay nagagaya niya, kaya naman itong mga inggitera at walang magawa ay patuloy na ginagawan ng eksena si Pokwang na nagpapatunay lamang na talagang magaling siyang manggaya, bhuket?! Naiinsulto ba sila dahil sa paggaya ni Pokwang ay nakikita nila ang mga pangit na pinaggagagawa nila? Excuse me pow!

Ano ba naman ang dapat nilang ikagalit, eh, ginagawa lang niya ang kanyang trabaho at pawang mga katotohanan lamang ang inaarte niya kaya kung hindi n’yo nagugustuhan at may nakikita kayong hindi maganda sa panggagaya niya, hindi na pagkakamali ni Pokwang ‘yun, duhba?!

PITIK-BULAG! SINO siya? Mahulaan n’yo kaya kung sino itong singer-actress na mag-o-over the bakod na mula sa isang malaking network papunta sa kabilang istasyon. Hmmm…

Gets n’yo na agad, ‘noh? Ayon sa aking parazzi girl ay kaya raw magpa-fly na sa kabilang network itong si singer-actress ay dahil napabayaan na siya nitong big network, duh!! Ano’ng gusto mo, eh, pagtapos mong mag-primadonna, as in magpasaway, eh mag-e-emote-emote ka diyan! Over my dead body, ‘noh! Yuck!

Napag-alaman ng inyong Tita Swarding na sa tuwing may charitable program ang malaking istasyon na kanyang pinanggalingan ay laging wala si singer-actress dahil may sakit daw siya, masama ang pakiramdam, puro palusot pero makikita na lang, nag-out of town! Ang hitad na ito ay nagbabaksyon lang samantalang ang kanyang mga kasama ay tumutulong sa mga nangangailangan. Kaya ayan! Nawalan ng gana ang malaking network kaya itong si singer-actress, wah na career, kaya ang eksena… nag-fly sa other network!

Sino itong singer-actress? Mukhang wit n’yo na kailangan pa ng clue pero sige… ayun nag-fly sila together kasama ang best supporting jowa niya. ‘Yun na!

Para sa maiinit na chika at makatotohanang balita maaari n’yo po kaming pakinggan sa DWBL 1242 khz kasama ang aking sosyalerang kabalitaktakan na si Michelle Junia, lunes hanngang biyernes mula 8 to 9 am. At ‘wag n’yo pong kalilimutan tuwing lingo sa DZRH 666 khz mula 2:30 hanggang 3:30 ng hapon. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God bless!!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

8 thoughts on “Singer-actress, pinabayaan daw ng network kaya nag-ober da bakod!

  1. hello? c regine? eh ang dami nya kyang show duh! at takot lng ng GMA na umalis c regine jeje_.. at excuz me swardinas charitable c regine at ogie. .

Leave a Reply

Your email address will not be published.