Singer-Actor, wala nang ganang magtrabaho?!

BLIND ITEM: TINATAYANG mabigat ang dinadalang problema ngayon ng isang singer-actor, I dare not to go into specifics kung ano ‘yon. Pero isa ang tiyak, nawawalan na raw siya ng ganang magtrabaho.

Lately, hindi na sinisipot ng ating bida ang kanyang lingguhang programa. Kung dati’y kilala lang siya bilang perennially late, ngayon, ang pinoproblema ng staff ng produksiyon ay kung sisipot ba siya sa show o hindi.

Nito rin daw mga nakaraang araw, this singer-actor has been acting strangely. Hindi na siya lumalabas ng bahay, he’d rather lock himself up inside his house which he shares with his estranged wife and children.

Mas lalo yatang ikinapapraning ng ating bida ang kasado nang plano ng kanyang mag-iina to migrate to another country, kung saan may nabili naman silang ari-arian nu’ng kasagsagan ng kita ng singer-actor. Katuwiran na rin kasi ng matriarch ng pamilya, assignments are few and far between.

Clue? May tatay na aktor ang ating bida, pero hindi pareho ang apelyidong kanilang ginagamit.

MORE THAN 20 years din naming hindi nakita si Vivian Velez, only to see her again, reenergized and in fairness, still lovely. Bahagi si VV sa teleseryeng Imortal ng ABS-CBN, kung saan pinamumunuan niya ang isang pangkat ng mga lobo.

Save for a few added pounds, there’s hardly any physical change in the original Ms. Body Beautiful, such title she has willingly bestowed upon her co-star Angel Locsin. Bigla tuloy nag-flash back sa akin ang Darna days ni Angel with GMA-7.

Unluckily though, hindi sa Darna kinakitaan ni Vivian ng kaseksihan si Angel, but seeing the young actress with much more to offer. Sinusubaybayan pala ni Vivian from beginning to end ang maiden project ni Angel upon her transfer to ABS-CBN, she became an instant Angel fan.

In Imortal, Vivian (Lucille) makes life miserable for Angel. But in real life (hopefully!) dahil kung papayag daw ang Star Cinema ay gustung-gustong idirek ni Vivian ang aktres in her first directorial job. Vivian took directing lessons under Marilou Diaz-Abaya while in hibernation. She had a writer-classmate who convinced her for the Lucile part, which she later said yes to.

It’s so refreshing to see Vivian back in the  fold, this time with a vengeance via her portrayal of a contravida role.

FOR ITS 15th anniversary special, Startalk TX is branded VX3 (five times three equals 15) kung saan it goes back to the fundamentals of journalism.

In basic news writing, hindi na alien ang tinatawag na 5W’s and one H. These are what, who, when, where, why and how. At least three stories pose each of the questions, may kaakibat na sagot sa mga ito, pero alin du’n ang dapat paniwalaan? Startalk TX VX3 challenges the viewers’ judgment via its handle of stories and issues na tanging ang naturang programa lang ang nakakagawa all these years. Make it a date on October 23!

TALIWAS SA SAPANTAHA ng marami, Willie Revillame’s resurrection via TV show on Kapatid network is not on a head-on collision with GMA’s Eat… Bulaga! nor ABS-CBN’s Pilipinas Win na Win.

Strange as it seems, ang 5-7 p.m. block (which is still primetime) ang napiling paglagyan ng Willing Willie beginning October 23, Saturday. Taliwas din ito sa earlier pralala that Willie’s program to pilot on the 23rd has yet to acquit itself base na rin sa legal na prosesong kinakaharap nito laban sa ABS-CBN.

October 29 ang pinakaaabangan ding araw bilang judgment Day on the fate of Willie’s program, kung ito ba’y nararapat patawan ng temporary restraining order or TRO as petitioned by his former mother network.

Although it’s up to the court to render its judgment, hindi maiaalis ang nag-uumapaw pang tensiyon as to the succeeding Saturdays. As they, say, the next chapter is much awaited.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

30 thoughts on “Singer-Actor, wala nang ganang magtrabaho?!

  1. janno gibbs obvious sya agad pumasok sa isip ko… pero ung sinabi na “asawa” at “anak” doubt ako… nag paparty pilipinas naman si janno ha.. pero lately ndi ko nga sya napapansin dun T_T

  2. si janno gibs…. nagseselos kasi sya kay Ogie. si ogie malaki ang kapit sa GMA. samantalang sya halos di sya kilala ng mga big boss ng GMA

    • i’ve seen a couple of concerts ni ogie diyan sa pinas before but i was not impressed with his performance. and liit ni ogie and i found his shows boring, dry at medyo corny din yung mga jokes niya so i really dont know kung bakit maraming siyang projects sa gma. unlike martin and gary na ibang level talaga.

      as for janno, i’ve seen his concert twice at maganda talaga ang boses and he looks better sa personal.

      kaya siguro mas maraming projects si ogie because he is very focused on his craft unlike janno who was more focused on being a womanizer at natuturn-off talaga ang mga tao. naawa talaga ang mga tao kay bing at sa mga anak nila.

      • Temang ka pala teh eh!, may x factor si Ogie. He’s a real artist. And initially before joining the showbusiness, mayaman na siya, buhat siya ng mayayamang angkan ng Alcasid clan sa Batangas. NOW YOU KNOW…OK BA DUDE?..

      • Tange ka pala teh, opinyon yan ni flnurse.

        Ano ang kinalaman sa mayayamang angkan ni ogie sa pagiging singer niya. I also think Ogie is overrated and there’s really nothing special about the way he performs and sings. Magaling lang talaga si Ogie dumikit sa sikat at sumipsip sa mga may “kapanyarihan”.

      • Korek ka Shawie– Puros pera kasi naka dikit at nabubulag ang mga ng tao..the words–mayaman, kanayamanan, luho… ek ek who really cares? 4 weeks ago while I was visiting Manila nakita ko yung mahiganteng karatula ni Ogie with Mr.C sa PICC…sabi ng nagdrive sa akin “SUS! Ano naman ang napala nitong charater sa Bubble Gang! Malamang kailangan ng maraming datong para sa magarbong kasalan nila ni Regine!” TAMA siya!

    • kawawa namn talga si janno.. ang nangyari kasi si janno parang tauhan na lng ni ogie sa Party P. sana man lng si Ogie ang kumausap kay janno ng personal kasi kaibigan namn sila. at tutuusin mas may boses namn talga si janno compared kay ogie. and advantage lng ni ogie is magaling sya mag compose ng kanta.

    • mali…sya rin nmn kc ang may kasalanan kung bakit madalang na exposure na nagyon…diba b4 napaarami din nyang raket…hindi na kinaya ng mga bossing ng gma ang pagiging unprofessional nya…kaw ba nmn ang laging late o di dumating sa mga shows mo na walang pasabi cno ba matu2wa non…diba ilang beses syang pinalitan ni mo t. as host sa show nyang grade 5(ba un…lol)
      tinagggal din sya sa eat bulaga ni tony t. at malou c f. dhl hindi naka2sipot sa rehearsal at mismong show.
      magaling kung sa magaling sya pero sana gamutin nya muna ang sakit na…hindi katuwiran ang may insomia sya dhl karamiha sa mga artista iyan ang sakit pero marami ang professional sa trabaho.

      kaya payo kay janno g. tumigil muna…mag-isip pag clear na talaga sya den cgurado nmng may ba2likan ang isang taong may talento.

  3. IMO, sayang talaga itong si Janno. He’s a very talented singer with great comedic timing pero nasira dahil sa pambabae. He’s desperate trying to fix a broken marriage pero its too late na talaga. Nagagandahan talaga ako kay Bing Loyzaga so hindi ko talaga maiintindihan kung bakit nambabae itong si Janno dati…at puro mga cheap at pangit na mga babae pa.

    Janno is more talented and has a nicer voice than Ogie! Hindi sumikat ng husto dahil medyo nasira yung image niya sa pambabae.

    • I agree sa lahat nga mga sinasabi mo dito at saka Janno really has a very good voice, and bing loyzaga is also very pretty. At yong anak nilang babae ang ganda ng mukha.

    • di po singer ang tatay ni Ariel Rivera simpleng tahimik na Canadian citizen siya naninirahan sa Mississauga, Ontario (West of Toronto)

Leave a Reply

Your email address will not be published.