Singaporean National, Ninakawan na, Pinatay pa

PINAGTATAGA HANGGANG sa mapatay ang isang Singaporean national ng umano’y teenager niyang helper sa Quezon City, ayon sa pulisya kamakailan.

Kinilala ang nasabing  biktima na si Peter Lee, may bansag na Lee Choi Ping, 50, negosyante at residente ng Detroit St., Brgy. Pinagkaisahan sa lungsod.

Sinabi ni SPO1 Cristituto Zaldarriaga, imbestigador sa kaso na si Lee ay natagpuan na lamang walang buhay sa loob ng kanyang tinutuluyan at may mga taga sa batok.

Tinutukoy ng isang nakasaki ang salarin sa alyas na JR, nasa pagitan ng edad 16-18, may taas na 5’4, nakasuot ng kulay violet na T-shirt at gray na jersey short pants.

Sinasabing si JR ay isang buwan pa lamang naglilingkod sa negosyante bilang helper matapos na ipakiusap ng isang labandera ng pamilya.

Sabi ng driver ng biktima na si Julio Carino Jr., bago niya natagpuan ang katawan ng amo, alas-12:44 ng hapon ay ibina¬baba pa niya ito at ang salarin sa Solid North bus station, bago siya nagtungo sa Dau, Pampanga para ideliber ang produkto nilang soya beans.

Nakabalik umano ni Carino sa bahay ng amo, ganap na alas-4:20 ng hapon at doon niya nakita ang biktima na na¬kahandusay sa receiving area at may sugat sa batok  at wala na rin ang naturang suspek.

Ayon kay Carino, nitong Sabado ay nakikiusap umano si JR sa amo na mag-a-advance ng pera, pero hindi pumayag ang amo, dahil ilang beses na umano itong bumabale.

Naalala rin ni Carino na pinagalitan pa ni Lee si JR pero hindi niya alam ang dahilan kung bakit.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kinauukulan, narekober sa lugar ang isang butcher knife na pinaniniwalaang ginamit ng salarin sa pagpatay sa biktima.

Samantala, nawawala rin ang wallet ng biktima na naglalaman ng hindi madeterminang halaga ng pera at gamit na iPhone 4 nito na pinaniniwalaang tinangay ng suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.