Singaporean National, Kulong sa Pananakit sa Ka-Live-In

 

KULONG ANG Singaporean national nang suntukin ang ka-live-in sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Sean Chin Kai Chew, 51, ng Main St., Tañong ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, sa hindi pa batid na kadahilanan ay nagtatalo ang suspek at ang ka-live-in na si Joricel Bacila, 33, sa loob ng kanilang bahay nang suntukin ng una ang sikmura ng bebot.

Namilipit sa sakit si Bacila at nang mahimasmasan ay nagsumbong sa mga barangay tanod na naging dahilan upang damputin ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.