Sinehan sa 2 Mall sa Davao, Pinasabog; 5 sugatan

LIMANG KATAO ang isinugod sa pagamutan matapos sumabog ang dalawang bomba sa magkahiwalay na mall sa Davao City.

Apat na mga babae at isang lalaki ang nakaramdam ng pananakit ng tenga matapos ang malakas na pagsabog ng bomba sa Cinema 5 ng G-Mall sa daang Bajada sa nasabing lungsod.

Nakilala ang mga naturang biktima na sina Mary Apple Basino Tacyawan, 20; Jecel Ilagan Jamson, 17, taga-Pioner Drive, Bajada, Davao City; Margie Sarita Gudes, 19; Diva Montenegro, 19; Gian Albarco, 18, taga-Mintal sa Davao.

Dinala sa San Pedro Police hospital ang mga biktima dahil sa pananakit ng tenga.

Una rito sumabog ang unang bomba alas-9:05 sa Cinema I ng SM Mall ngunit walang naitalang nasugatan.

Ayon sa mga nakasaksi, tinatayang nasa tig-10 katao lamang ang mga nanood ng sine nang mangyari ang pagsabog.

Samantala, ginamit na kahapon ng Davao City Police Office (DCPO) ang mga footage na nakakabit sa mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga salarin na nasa likod sa pagtanim ng bomba.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.