Sindikato sa Illegal Recruitment — Mas Mabigat ang Parusa

MAY NAKAPAGSABI sa akin na para mas mabigat ang maging parusa sa mga nag-recuit sa akin, dapat daw ay patunayan ko na sindikato ang nambiktima sa akin. Ano po ang ebidensyang kailangan para rito? — Jenny ng Valenzuela City

 

ITINUTURING NA SINDIKATO ang nagsagawa kung ang mga akusado ay tatlo o higit pa ang bilang. Kailangan din na ang kanilang operasyon ay walang lisensya o hindi pinahihintulutan ng batas.

Ang halimbawa nito ay kung may nagtayo ng isang ahensya na hindi naman rehistrado o walang lisensya at nangako ng trabaho sa abroad na peke naman. Kung tatlo o higit pa ang mga akusado o nagsagawa ng krimen, sila ay isang sindikato. Habambuhay na pagkabilango at multang P100,000.00 ang parusa rito.

 

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.