Sindikato, Nagso-Solicit ng Pondo sa mga Biktima ng Kalamidad

NAGBIGAY-BABALA SI Defense Secretary Voltaire Gazmin sa publiko laban sa mga taong gumagamit ng kanyang pangalan para mag-solicit ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Maring at Habagat.

Sinabi ni Gazmin na may ulat nakara¬ting sa kaniyang tanggapan na bukod sa panghihingi ng tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyo ay nagso-solicit din umano ang pekeng grupo ng pera para sa fund raising umano ng ahensya.

Modus operandi umano ng mga salarin na tawagan ang ilang mga kilalang personalidad lalo na ang mga negosyante at magpapakilalang mula sila sa tanggapan ng Kalihim.

Sinasabi umano ng mga ito na inutusan sila ni Secretary Gazmin o kaya naman ay ng iba pang opisyal ng Department of National Defense at sasabihin na ang kanilang pakay.

Samantala, sakaling makatanggap ng ganitong mga impormasyon o tawag, agad aniyang ipagbigay-alam at ma-kipag-ugnayan sa Office of the Secretary ng DND sa 911-1746 upang mahinto na ang nasabing iligal na gawain.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.