Sinasakyang Barko, Lumubog Chinese National, Nalunod

NALUNOD ANG isang Chinese nang lumubog ang kanilang sinasakyang barko sa Aparri, Cagayan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Lin Guang Biao habang isa pa ang hinahanap at nailigtas ang 12 pang Chinese at apat na Pinoy.

Patungong Fujian, China ang barko dala ang mga iron ore mula sa Luzon nang makaranas ng aberya.

Nakapagpadala pa ng distress signal ang barko sa Philippine Coast Guard kaya’t agad nakapaglunsad ng rescue operation.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.