Sinapian ng maligno Albularyo, inatado ng pasyente

SA HALIP na magpagaling sa umano’y sinasapian ng masamang espiritu, kamatayan ang sinapit ng 73-anyos na albularyo sa bayan ng Lugait, Misamis Oriental.

Kinilala ni Insp. Julius Saluta, hepe ng Lugait PNP ang biktimang nagtamo ng maraming saksak sa dibdib na si Crisostomo Baynos ng Purok Masilakon, Barangay Poblacion.

Arestado naman ang suspek na si Benjamin Sanchez Jr. 33 ng Purok 2, Barangay Kaluknayan, Lugait.

Inamin ng ama ng suspek na si Benjamin Sr. na matagal na nilang problema ang anak na tila nababaliw kaya naman nang may nagsabi sa kanila na mahusay na albularyo at manghihilot si Baynos ay kanya itong pinuntahan.

Dahil sa paniniwala, ginagawa ang paggamot kapag madilim na kaya naman doon na matutulog ang matandang albularyo sa kanilang bahay.

Habang hinihilot ni Baynos ang batang Sanchez ay bigla itong nagsalita nang may kakaibang tinig subalit hindi natakot ang albularyo at ipinagpatuloy ang panghihilot.

Bigla umanong tumahimik ang suspek at makaraan ang ilang sandali ay bumangon ito saka kinuha ang bolo at pinagtataga ang biktima.

Ayon sa matandang Sanchez, wala ni isa man ang nakapigil sa anak dahil tila wala itong nakikilala.

Tumigil lamang ito sa pagtaga sa biktima nang mamatay ang matanda habang nakahingi agad ng tulong ang ilang kaanak ng suspek sa pulis at pinaaresto na ito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.