Sinapak ng nakahuling mister: misis, naglaro ng apoy sa motel

MATINDING SUNTOK ang sinapit ng isang ginang mula sa kanyang mister makaraang mahuli sa loob ng lodging house kasama ang ibang lalaki sa Iloilo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Camp Crame, kinilala ang mister na si alyas Yong, 45-anyos habang ang kaniyang misis ay si Rica, pawang residente sa bayan ng Lapaz.

Kinilala anaman ang karelasyon umano ni Rica na si alyas Richie, 47-anyos, jeepney driver ng Bacolod City.

Sa salaysay ni Yong, nag-disguise siya at sinundan ang misis kaya nang makapasok ang dalawa sa Katrina Lodge sa Brgy. Nabitasan, Lapaz, ay pumasok din ang mga ito.

Hindi aniya siya nakilala ng dalawa dahil suot niya ang isang helmet.

Sa tulong ng kanyang kamag-anak na kanyang tinext ay inabangan ang dalawa at makaraan ang mahigit tatlong oras, lumabas ang mga ito saka naman sinalubong ng suntok ng mister ang umano’y nagtaksil na asawa.

Gayunpaman, agad nakatakas ang jeepney driver.

Umamin si Rica na isang beses lang na may namagitan sa kanila at sumama siya sa lodge upang makipagkalas na.

Dagdag pa ni RiCa na binibigyan siya ng pera ng karelasyon para sa gastusin ng kanyang apat na anak na hindi maibigay ng asawa.

(E. CALMA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.