Sinalbeyds na OFW, Natagpuan Na

MAKALIPAS ANG ilang araw na paghahanap, natagpuan na ng kanyang pamilya ang isang oversease Filipino worker na may tama ang bala ng baril sa isang madamong lugar sa Brgy. Balagtas, San Rafael, Bulacan.

Sa report na nakarating sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang biktimang si Angelito Santos Y Sanchez, 47 anyos, driver, residente ng # 102 Lotus St., Alido Subd., Malolos City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-5:30 ng hapon nang matagpuan ang katawan ng biktima na may tama ng bala ng baril sa leeg at iba pang bahagi ng katawan.

Nadiskubre ang labi ng biktima nina Josephine Capulong at hipag nito na si Marlene Has Espinosa ng Brgy. Coral na Bato.

Ayon naman sa asawa ng biktima na si Elvira, huli niyang nakita ang kanyang asawa na may-kausap na lalaki at simula noo’y hindi na nakita pa ang kanyang asawa.

Nabatid na magpapa-blotter sana si Aling Elvira sa highway patrol nang sabihin ng mga pulis na may natagpuang patay sa bayan ng San Rafael. Dahil dito, dali-daling pinuntahan ng pamilya ang SOCO-Bulacan. Dito nanangis si Aling Elvira dahil asawa niya ang naturang salvage victim, base na rin sa suot nitong damit.

Bunsod nito’y humihingi naman ang katarungan ang pamilya ng biktima na sana’y mabigyan agad ng hustisya ang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang  asawa.

(TONY DELA PEÑA)    

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.