Sinalantang Electric Coop, Tutulungan ng NEA

AAYUDAHAN NG National Electrification Administration (NEA) ang electic cooperatives na nahinto ang operasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni NEA Deputy Administrator for Legal Services Atty. John Joseph Magtuloy na bumuo na ang ahensya ng Task Force Kapatid Yolanda para tulungan ang mga kooperatiba na sinalanta ng kalamidad.

Ayon kay Magtuloy, natukoy na ang mga electric cooperative na bumagsak ang operasyon bunsod ng nabuwal na transmission lines partikular na Region VIII, ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ito aniya’y upang ganap nang matugunan ang pagsasaayos ng komunidad na wala pa ring suplay ng kuryente hanggang sa kasalukuyan.

Base sa pinakahu-ling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na inilabas kahapon, wala pa ring kuryente sa maraming bayan sa Regions 4-B, 5, 6, 7 at 8.

Samantala, una nang inihayag ni Energy Secretary Jericho Petilla na target maibalik ang suplay ng kuryente sa lahat ng lugar na nasalanta ng bagyo sa bisperas ng Kapaskuhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.