Sinabihan nang `wag mag-effort: Luis Manzano, sige pa rin ng panliligaw kay Angel Locsin

KUNG SI LUIS Manzano ang tatanungin, mas okey na raw sila ni Angel Locsin sa ngayon kumpara noong mga panahong kabi-break lang nila. Kung anuman daw ‘yong ilangan nila dati, kahit paano raw ay natanggal na.

“Nagkakausap naman kami palagi. And there’s nothing ano naman… no issues between us. At saka sinabi ko na naman na I am trying to fix things.”

Pero sa tono naman ng pananalita ni Angel sa pinakahuling press interview niya recently, tila malabo pa rin kung pagbabalikan nila ang pag-uusapan. Sinabihan na nga raw ng dalaga si Luis ng ‘huwag nang mag-effort.’

“Hindi kasi siyempre kahit papa’no, Angel has been through a lot,” reaksiyon ni Luis. “Ako naman, kaya ko nga sinasabi palagi na I am trying to work things out, siyempre gusto kong ayusin ‘yong sa amin.

“At saka kay Angel naman, she is enjoying kung anuman ang kalagayan niya ngayon. Actually kumbaga, if everything falls into place, we do good. If not then there’s a reason behind it kung bakit hindi.”

Pero kung sa iba sigurong lalaki na sinabihan ng binabalikang ex-girlfriend na ‘huwag nang mag-effort,’ siguro nag-give up na at hindi na nga mag-i-effort pa.

“Kaya nga. It goes to show na gusto ko nga talagang ayusin ‘yong sa aming dalawa.”

Nabanggit din nga ni Angel, si Luis naman daw kasi ang unang nakipag-break.

“Hindi ko na aanuhin ‘yong detalye ng paghihiwalay namin siyempre. So ‘yong tungkol do’n, sa amin na lang dalawa.”

Aware ba siya na late part of last year, may isyung nagdadawit kay Maricar Reyes na naka-fling daw umano niya na isa sa dahilan nga raw ng break-up nila ni Angel?

“Ayoko nang mandamay ng mga ganyan. Kumbaga sa amin ni Angel, ‘yong naging problema namin for the whole break-up, eh, sa aming dalawa na lang.

“Sobrang nasaktan talaga si Angel sa break-up namin? Hindi. The whole experience naman wasn’t easy for me and definitely hindi rin madali para sa kanya. You know, especially nagkaroon kami ng mga moments na away-bati. And… at least ako, I’m trying na ayusin ‘yon.”

At hangga’t wala siyang nakikitang bagong lalaki sa buhay ni Angel, hindi siya titigil ng muling panliligaw sa aktres?

“Basta ako, gusto ko talagang ayusin. So… let’s just see kung ano ang mangyayari sa aming dalawa. Whatever comes our way, whether maayos namin o hindi, eh, siguro iyon ang tadhana o ginusto ng Diyos para sa amin.”

Masasaktan ba siya kung sakaling mag-entertain ng ibang mga manliligaw ngayon si Angel?

“Siguro may konting factor na gano’n. Pero base naman sa mga nababasa ko, eh, wala pa naman. She is resting, ‘ika nga.  So I will still try to fix things. At sana, may patutunguhan. Pero ayokong mag-assume,” sabi pa ni Luis.

DEADMA AT AYAW mag-react ni Melissa Ricks sa pagdi-deny ni Jake Cuenca na nililigawan siya nito. A couple of weeks ago kasi ay sinabi niya sa amin na kahit walang direktang sinasabi ang aktor, ‘yong gestures nga raw at pagtrato nito sa kanya ay parang gawain ng isang nanliligaw talaga.

Kunsabagay, bakit nga naman siya maaapektuhan kung itanggi man ni Jake na pumuporma ito sa kanya, eh, mukhang hindi naman type ni Melissa ang binata. Sabi nga ng ilang close sa young actress, “Baka naramdaman niyang hindi naman siya gusto ni Melissa kaya nagdi-deny siya?!”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Sinabihan nang `wag mag-effort: Luis Manzano, sige pa rin ng panliligaw kay Angel Locsin

Leave a Reply

Your email address will not be published.