Sin Tax at 2013 Budget, Uunahin ng Senado; RH Bill, sa Enero na Uli

AYON SA Senado, uunahin ng mga senador ang deli-berasyon para sa Sin Tax Bill at proposed 2013 Budget. Samantalang isasantabi muna ang talakayan sa Reproductive Health (RH) Bill.

Nais ng mga senador na tapusin na ang botohan para sa panukalang Sin Tax Bill na magdagdag ng P40 milyong buwis sa mga alak at sigarilyo nang sa gayon, maumpisahan na rin ang talakayan para sa 2013 national budget.

Sang-ayon si Senator Pia Cayetano sa magiging sesyon ngayon ng Senado dahil sapat na aniya ang boto para sa RH Bill matapos iharap ang mga individual amendment na tinalakay noong makalawa nila Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Ralph Recto.

Umaasa si Sen. Pia na malakas din ang hatak ng panukala sa kasalukuyang Kongreso. Sa Enero inaasahang tatalakaying muli ang RH Bill.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.