Sin Tax, Aapurahin Bago ang X-Mas Break

AAPURAHIN NA umano ni Senate President Juan Ponce Enrile ang mga kapwa mambabatas nito para sa madaliin ang pagpasa ng kontrobersiyal na Sin Tax Bill.

Ayon kay Enrile, bagama’t nakataya kay Senate committee on finance chairman Sen. Franklin Drilon ang pagtalakay ng panukalang batas, pero bilang lider umano ng Senado, sisikapin nitong maihabol ang panukalang batas.

“Hintayin natin si Sen. Drilon na sabihin kung ano ang kanyang plano, ano ang kanyang gagawin. Ako, bilang pangulo ng Senado, aapurahin ko sila para matapos iyan, ngunit sa kanila iyan, eh,” anang pangulo ng Senado.

Una rito, nagpahayag ng pagduda si Sen. Serge Osmeña na maaprubahan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayong taon ang kontrobersiyal na proposed tax measure.

Maliban kasi sa Sin Tax Bill, nakatutok din ang komite ni Drilon sa paghimay sa 2013 national budget.

Samantala, tiwala si Enrile na kayang matalakay ang Sin Tax Bill sa loob ng dalawang linggo bago ang kanilang Christmas break.

Sa Nobyembre 5 pa mu-ling babalik ang trabaho ng mga senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.