Silver Award, ibinigay ng DILG sa Navotas

TUMANGGAP ANG pamahalaan lokal ng Navotas City ng Silver of Gold Housekeeping Award ng Deparment of Interior and Local Government (DILG), kamakailan sa Amoranto Performing Arts Stadium, Quezon City.

Ito ay base sa maayos na pamumuno sa ilalim ng baguhang alkalde ng nasabing lungsod na si John Rey Tiangco na personal na tinanggap ang nasabing pagkilala.

Nakilala rin ang lungsod sa pagiging tapat at pagpapatupad ng mga batas sa mga lugar, pagpaplano, pagbibigay ng serbisyo sa mga parokyano o constituent at pagpapahalaga bilang isang mabuting lingkod-bayan.

Magugunitang noong nakalipas na taon ay binigyan rin ng pagkilala ng DILG ng Seal of Good Housekeeping Award bilang una sa pang-apat sa buong Metro Manila dahil na rin sa maayos na imprastraktura at mga proyekto na may pondong P20-M mula sa Local Government Support Fund (LGSF).

“I hope that this award inspire our public servants to do better at their jobs,” ani pa ng alkalde.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.