Silid-Aklatan, Binuksan na sa Navotas

PORMAL NANG binuksan ang isang silid-aklatan sa Navotaas Homes – Tanza, ang Gintong Isip Library, mula sa Are you READy Foundation? na pinamumunuan ng isang batang manunulat na si Samantha Coyuito sa pakikipagtulu-ngan sa Lokal na Pamahalaan ng Navotas at Habitat for Humanity Philippines (HPHP), kamakailan.

Isa ang silid-aklatan sa mga ipinagawang pasilidad ng HFHP sa tulong ng mga kompanya at non-government organizations para makatulong sa pagbibigay ng magandang buhay sa mga pamilyang naninirahan sa pabahay na handog naman ng lokal na pamahalaan sa mga nasalanta noong Bagyong Pedring.

Nauna nang binuksan ang isang day care center at kindergarten room sa nasabing lugar bago mag-umpisa ang kasalukuyang school year na may mahigit kumulang 100 estudyante. Sagot din ng HFHP ang uniform, libro, guro at librarian sa nasabing mga pasilidad.

“Malaking tulong ang mga nasabing pasilidad upang makapagbigay ng accessible at free education sa mga naninirahan malapit sa lugar,” ani ni Mayor John Rey Tiangco.

Pinaalalahanan ni Mayor Tiangco ang mga residente at kabataan na alagaan mabuti ang mga libro bilang pasasalamat sa nagkaloob nito at upang magamit pa ng mas maraming kabataan.

Ani naman ni Bb. Coyuito, “Dapat nating pahalagahan ang pagbabasa dahil ito ay susi sa magandang edukasyon at kinabukasan.”

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.