Sila pa rin daw, pero… Edgar Allan Guzman, tinigilan na ang pakikipag-live in kay Jolan Veluz

ORIGINALLY, SA Nueva Ecija sana planong magpalipas ng Semana Santa nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla kasama ang mga kamag-anakan ng action star. Pero nabago ito dahil sa pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan lately nina Binoe at ng utol nitong si Rustom Padilla na sa ngayon ay si BB Gandanghari na.

“Kailangan nila ng konting time,” ani Mariel nang makakuwentuhan namin sa Paparazzi Showbiz Exposed nitong Sabado. “Ako ang magiging ambassador of peace. So, bibigyan muna natin sila ng time to rest apart. Tapos pagda-ting ng takdang panahon, dadalhin natin silang dalawa sa peace talk.”

Sa Morocco na raw sila pupunta ni Robin ngayong Holy Week. Monday, April 9, na raw ang kanilang balik at diretso si Mariel sa Wil Time Big Time, kung saan isa siya sa co-host ni Willie Revillame.

Bakit sa Morocco nila naisipang pumunta?

“Actually kasi ‘yong Morocco is an Islamic country. 80 percent ng tao roon, Islam ang religion nila. Kasama namin si Queenie (Padilla, eldest daughter ni Binoe). At saka ‘yong cousin ko. First time naming lahat na pupunta roon.”

Ayaw ba niyang magpa-convert sa pagiging Muslim na rin?

“‘Di ba ‘yong mga gano’n, hindi mo naman binabalak? Na dapat may hihintayin kang parang calling? Eh, so far, hindi ko pa naman nakukuha iyon. Although siyempre ‘yong mga nakapaligid sa akin, marami akong nakakausap na mga Muslim. ‘Di ba? So, nakikita ko ‘yong beauty ng Islam. Naa-appreciate ko. Kaya lang nga, dapat bago mo iwan ang isang bagay, dapat alam mo muna kung ano ito. ‘Di ba?”

Dati, paborito raw ni Mariel ang pork. Pero matapos daw silang makasal ni Robin ay hindi na siya kumakain ng karne ng baboy.

“Oo. Iyon lang ang ini-request sa akin ni Robin. Na huwag akong kumain ng pork. Kasi pala, kapag kumakain ako ng pork, hindi niya ako puwedeng i-kiss. Ipagpapalit ko ba naman ‘yong mga halik sa pork? Hello!” sabay tawa ulit ni Mariel.

“So ang kinakain ko na lang… beef, chicken, veggies, and fish. And I realized na lahat pala, laging may alternative. Dati iniisip ko, paano na ‘yong bacon? Eh, may turkey bacon naman pala. May chicken viena sausage. Alam mo ‘yon? Lechon? May lechon manok. ‘Di ba?”

Ikatlong linggo na ni Mariel bilang co-host nina Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin, Zoren Legaspi, at Dolly Ann Carvajal. Pero wala pa rin daw siyang pinirmahang exclusive contract sa TV5.

“Alam n’yo kung saan ako exclusive? Sa totoo lang, sa Wil Time Big Time (bilang isa sa co-hosts ni Willie Revillame). My contract is with Wil Production.”

Parang ang bilis nga raw ng pangyayari na biglang nando’n na lang siya sa nasabing Sa-turday afternoon showbiz-oriented talk show ng Kapatid Network. Ang business unit head daw ng Wil Production na si Jay Montelibano ang nakipag-nego-tiate for her.

“Alam mo, hindi ko nga alam kung babayaran nila ako rito!” natawa ulit na biro ng actress-TV host. ‘Yon nga ang hindi ko alam, eh! Hahaha! Kasi hindi ko naman tinatanong. Go lang ako nang go. Pero, masaya!”

 

PAGLILINAW NI Edgar Allan Guzman, sila pa rin daw ni Johlan na dating miyembro ng grupong SexBomb. Nag-decide lang daw sila pareho na huwag na lang mag-live in.

“Uhm… para rin sa akin at sa career ko,” ana’ng actor. “And nakikita ko naman, iyon ‘yong… ngayong nakalipat ako at nakabalik sa pamilya ko, mas magiging maganda ang takbo ng career ko. Nakapag-usap naman kami ni Johlan nang maayos. And nagkaintindihan naman kami kung ano ‘yong mga plano sa buhay. So, siguro, ‘eto na ‘yong time para mag-grow kami. Kumbaga, magkaroon kami ng buhay sa bawat isa. Okey naman po kami. Kumbaga, sa lovelife, nag-lie low muna ako. So, ang focus ko po ngayon ay career and family.”

Ano ‘yong tsismis na madalas daw siyang nabubuwisit at nagagalit siya kay Johlan dahil sobra raw itong selosa?

“Hindi naman po nabubuwisit or nagagalit. Kumbaga, lahat naman po ng tao nagseselos. Kahit ako, eh. Kumbaga, naiintinidihan naman niya lahat ng trabaho ko. And iyon naman ang kailangan sa isang relasyon, eh. Na magkaintindihan. Huwag magselos. Para hindi maging magulo ang relasyon ninyo. So ngayon po, okey kami. Okey siya.”

Ano naman kaya ang masasabi ni Johlan na napapabalitang may mga hindi magandang tweet against Edgar Allan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Sila pa rin daw, pero… Edgar Allan Guzman, tinigilan na ang pakikipag-live in kay Jolan Veluz

  1. from jopay, cno ba iyung laos na iyak ng iyak, jolan ay puro malaswa! puro pakikipag live in ang alam. marami pa sigurong sexbomb ang puro bad model! talagang isinasabuhay ang pangalan nilang sex! maglulupasay at iiwan din pag pinagsawaan! hwag ng magalit at totoo naman! sali kayo sa sex bomb para sumayaw ng spaghetti pataas at pababa! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.