Sila na raw ni Vic Sotto Pauleen Luna, bagong ‘first lady’ ng Eat… Bulaga!

OFFICIALLY AN item na nga itong sina Vic Sotto at Pauleen Luna, base na rin na isinulat ni Ricky Lo sa kanyang column sa Phillippine Star noong December 7, ayon sa source nito na kapwa malapit sa dalawa.

“Yes, they are ‘officially’ an item as confirmed to Funfare by somebody close to them, that’s why you must have noticed some very subtle sweetness in the way they treat each other on Eat, Bulaga!…” ayon sa report.

Kaya naman sinasabi ng marami na si Pauleen na ang bagong ‘first lady’ ng nasabing noontime show, at pinalitan na nito sina Pia Guanio (na kasal na ngayon sa businessman na si Steve Mago), Christine Jacob at Coney Reyes. Tumagal nang 7 taon ang relasyon nina Vic at Pia.

Marami rin ang nagre-react sa napakalaking age gap nina Vic at Pauleen – 57 si Vic, 23 naman si Pauleen. Kung hindi kami nagkakamali, sumali pa si Pauleen sa Little Miss Philippines taong 1992. 4 years old pa lang siya noon at si Vic pa mismo ang nag-iinterview sa kanya. Tingnan mo nga naman, at heto’t usap-usapan na ngayon ang dalawa bilang mag-dyowa.

Hindi nga raw mapigilan ni Pauleen ang sobrang kaligaya-han ngayon kung kaya’t nag-post ito sa kanyang Twitter account na @pauleenjluna ng kanyang nararamdaman sa kasalukuyan.

“Thank you world for making me a happy girl. You gave me more than I asked for. I am blessed. I am grateful.”

Nagsimula ang isyu kina Vic at Pauleen sa isang blind item sa mga entertainment blogs, kung saan sinasabing idine-date ng isang veteran TV host/comedian ang isang young TV host/actress.

Isa nga sa naunang blind items na lumabas nitong mga nakaraang araw ay ang nakita pa raw ang dalawa na ‘extra sweet’ sa isa’t isa sa isang resort sa Rizal.

Ngayong nakumpirma na nga ang relasyon nina Vic at Pauleen, hanggang kailan naman kaya magtatagal ang May-December affair na ito? Eh, ‘di nga ba’t nagdesisyon na si Vic na maging bachelor na lang habambuhay?

Kaabang-abang din ang mga interesting situation ngayon sa noontime show. Magkaroon kaya ng mga ‘kilig’ moments sina Vic at Pauleen? May makikita kaya tayong ilangan between Pia and Pauleen?

Eh, ano naman kaya ang masasabi ni Dina Bonnevie ngayong mas bata pa sa kanilang mga anak ang bagong idine-date ni Vic? ‘Yan ang mga aabangan natin sa mga susunod na araw.

BLIND ITEM: Actually, blind item ito tungkol sa isa pang blind item. Nagtatanong kasi sa amin ang isang live audience sa taping ng isang gag show. Ayon sa e-mail na aming natanggap, may isang blind item segment ang show, kung saan pinag-usapan ang tungkol sa isang hunk actor sa kabilang network na nakulong umano sa Las Vegas dahil sa pakikipagsuntukan at pakikipag-away nito sa nasabing lugar. Naganap daw ang insidente noong huling laban ni Manny Pacquiao roon.

Ang ipinagtataka raw ng mga host ay kung bakit tila nagkaroon ng news block-out ang insidente, na tila wala ring entertainment writer na naglakas-loob na magsulat tungkol dito. Very reliable din daw ang source ng kanilang blind item na mismong direktor ng kanilang show. Nagbigay pa nga raw ng clue ang mga host, hanggang sa napangalanan ng isa sa mga host na kilala sa pagkamali-mali.

‘Eto na ang siste, inere na raw ang episode na ‘yun ng gag show, pero nagulat ang nagtatanong sa amin dahil hindi raw kasamang inere ang naturang ‘segment’. Sa madaling salita, na-cut na raw. Very sensitive nga raw naman ang BI na bigay na bigay ang clue. Kaya naman siguro, napagpasiyahan na lang ng show na ‘wag nang sa kanila pa magmula ang usok. ‘Yun na!

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleKim Chiu, umaasa pa rin kay Gerald Anderson?!
Next articleDerek Ramsay, 4 na buwang baldado?!

No posts to display