Sikat na Young Actress, ‘Di na Healthy Looking, Laklakera Pa!

SIPAT: NAKAKiKILIG ang PAG-AMIN ni PIOLO PASCUAL na ‘SILA NA’ ni KC CONCEPCION!

EKLAT: Parang MANGGANG HILAW sa KILIG!

SIPAT: May SYOTA na si PIOLO. INILABAS na rin niya ang kanyang ANAK…

EKLAT: Ang MAGDUDA pa sa kanya… BADING!

SIPAT: NAGTAMPO pala si MARIAN RIVERA kay BONG REVILLA dahil SINABIHAN daw ng SENADOR ang GMA-7 na HUWAG SUPORTAHAN ang FILMFEST ENTRY niya nu’ng DECEMBER.

EKLAT: Kaya ba HINDI KUMITA?

SIPAT: Uy, KUMITA naman ‘yung MOVIE, in fairness.

EKLAT: Ang CLAIM ng DIE-HARD FANS ni MARIAN.

SIPAT: DEPRESSED daw si RONALD SINGSON NOON dahil sa LOVE AFFAIR with LOVI POE kaya siya NALULONG sa DROGA.

EKLAT: NANDAMAY pa, o!

SIPAT: MATAGAL nang HINDI NAPAPANOOD si GABBY CONCEPCION, ‘no?

EKLAT: WALA na ang ‘NOVELTY’ niya, e!

SIPAT: NAGPAPARAMDAM nga raw si GABBY sa TV5.

EKLAT: MULTO na si GABO?!

SIPAT: BATI na TALAGA sina TONI GONZAGA at MARIEL RODRIGUEZ.

EKLAT: WALANG KAPLASTIKAN. Pramis.

SIPAT: May BAGO raw NOONTIME SHOW sina TONI at MARIEL sa ABS-CBN.

EKLAT: Kaya WALANG HALONG KAPLASTIKAN ang PAGBABATI nila!

SIPAT: SISIBAKIN na ang ‘PO5’ ng TV5?!

EKLAT: NOTHING SHOCKING.

SIPAT: Uy, WALANG KINALAMAN si WILLIE REVILLAME do’n, ha?

EKLAT: HINDI pa NAMAN si PAPI ang NAGDEDESISYON sa SINGKO, ‘di ba?

SIPAT: ‘LAKLAKERA na rin pala itong si [name ng SIKAT na YOUNG ACTRESS]!’ sey ng ating MAHADERA. ‘Basta may MAKITANG ALAK, TUNGGA na AGAD siya!’

EKLAT: ‘HINDI MAKAKABUTI sa KALUSUGAN niya ‘yan. HINDI na nga siya HEALTHY-LOOKING, ‘no!’ ang tila CLUE pa ng ating Mahadera.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

8 thoughts on “Sikat na Young Actress, ‘Di na Healthy Looking, Laklakera Pa!

  1. 'manggang hilaw daw oh' hahaha,kakaloka talaga tong si sipat at eklat! Trulili,hahaha…parang kilala ko yung bi,di ba may commercial sya na may expression na ganyan? Mejo sayang sya…hmmmm…

      • i think si kim nga yung BI. Payat din si erich pero normal lang. Well mabait naman si maja at talented pa pero matagal na kasi balita na gimikera at madalas umiinom si maja so siguro na influence ni maja si kim.

      • BI salamat, sayang itong si Kim, kung totoo man itong umiinom sa sya, sana huwag maging Baron sya. Ang daming pinagdaanan ni Kim at idagdag pa nya itong masamang bisyo. Haay naku, sana maputol ito ni Kim na maaga pa para hindi rin masira ang career nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.