Blind Item: Sikat na TV host at director, may ka-dyug sa yate?!

OLA CHIKA! NAKU, mahulaan n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Maloloka kayo dahil hindi pa rin pala tumitigil itong si TV host at isang dambuhalang direktor sa pambababae. Kalerke, ha!

Ang hindi ko lang ma-take ay puro deny pa ang mga ito. Naku ha, tigilan n’yo ako dahil itong si TV host at direktor ay nag-dinner sa isang magandang restaurant malapit sa daungan ng mga boat diyan sa Roxas Boulevard habang hinihintay nila ang kontak nila sa isang bugalo na kasamahan nila. Kaloka, ha! Habang nagdi-dinner ang dalawa at medyo napasarap na ang kwentuhan, maya-maya ay dumating na diumano ang hinihintay ng dalawang masahol pa sa hayop sa kalibugan.Kaloka, ha! Beso-beso at nagpakilala pa ang mga haliparot na babae sa dalawa.

May nakatoka na diumano sa kanila kung sino ang para kay TV host at ang para kay direk. Parang hindi ko ma-take ang mga ginagawa ng dalawa dahil maya-maya ay pumasok na ang dalawa sa yate at kanya-kanya na silang pasok sa bawat silid.

Kalerke ha! Naloka ako! Eh, ano ba naman ang ginagawa nila sa loob? Naglalaro sa baga ang TV host at ang direktor?

Ang nakakaloka, ang bugalo nila ay kasamahan pa nila sa show. Kung makikita mo siya sa telebisyon ay parang walang kamuwang-muwang sa mundo, ‘yun pala mas masahol pa.

Nahulaan n’yo na ba kung sino itong aking pinahuhulaan sa inyo? Hindi na kailangan ng clue dahil given na ito. Ha!Ha! Ha! ‘Yun na!

by Tita Swarding

Previous articlePaano kaya kung may Facebook si Andres Bonifacio?
Next articleIdinaan sa tabo: Daboy nagparamdam kay Phillip Salvador

No posts to display