Sikat na sikat na aktres noon, simpleng pokpok daw!

LAGING NAPAPATUNAYAN sa showbiz, na ang mga baho at eskandalo, kahit ilang dekada mo pa iyang pilit na itago ay humahanap lang ng pagkakataon ang panahon para malantad kung ano ang dapat at kailangang mabulgar.  Minsan pa nga, parang aksidente lang na nauungkat ang mga nakaraan na hindi na sana dapat pang makarating sa kaalaman ng publiko na umiidolo sa mga artistang iniluluklok nila sa pedestal ng paghanga.

May isang sikat na sikat na aktres na itago natin sa screen name na Farida Anderson. Namumukod-tangi ang kanyang kagandahan sa panahon ng kanyang kabataan at kasikatan sa showbiz. Tanggalan mo man siya ng kolorete sa mukha ay mala-Diyosa mo pa rin siyang pagmamasdan, dahil lalo siyang maganda at kaakit-akit sa natural niyang ganda na walang pahid ng make-up. Napakalakas ng dating ng kanyang personality, kaya tinagurian din siyang Taray Queen. Hindi mo siya puwedeng paikutin sa iyong mga palad at paglaruan, dahil siya ang gagawa noon sa iyo nang hindi mo namamalayan.

Maraming kaibigan si Farida sa showbiz, at kahit ang kanyang mga kaibigan ay humahanga sa kanyang pagdadala ng personalidad. Kasi nga, reyna ang takbo ng kanyang pamumuhay, dahil sobra siyang yumaman. Mahilig din kasi siya sa negosyo. Pero may sabi-sabi na front lang ni Farida ang kanyang katarayan para hindi mo mapasok ang kanyang kalooban at hindi mo malaman kung ano ang kanyang mga ginawa sa nakaraan para mabago ang kanyang pamumuhay. May bulung-bulungan na ginamit daw noon ni Farida ang kanyang utak, kabataan, ganda at katawan para simpleng kumabit at mang-akit ng mga mayayamang kalalakihan, na kadalasan ay sa ibang bansa niya ginagawa para hindi halata sa Pilipinas. Sa ilang pakikipagrelasyon daw sa mga mayayamang lalaki, milyun-milyon ang nakuha ni Farida, dahil sobra siyang minahal ng mga kalalakihang kanyang tinukso. Napalago niya ang perang kanyang naging kabuhayan. Maingat, malihim at simpleng pokpok si Farida kung tawagin.

(By Mechor Bautista)

Previous articleDahil sa pagde-deny, young actor, kulang na lang isuka ng pinanggalingan hayskul sa probinsiya!
Next articlePandi Mayor Roque, ‘di na itinulak ang kaso laban kay Aiko Melendez

No posts to display