Sikat na personality, ‘di tinupad ang pangakong ipagsi-shopping ang kinuhang singers?! – Alex Brosas

KUNG SIYA ANG masusunod, gusto ni Direk Laurice Guillen na mag-celebrate ng Pasko ayon sa nakaugalian nila noong nabubuhay pa ang asawang si Johnny Delgado.

“Every year, kaming apat lang talaga ang nagse-celebrate mula noon. Sinasalubong namin ang Pasko ng mass tapos nagdarasal kami and then may sharing, kakain tapos bubuksan ang gift. Importante ang cards sa amin, kasi doon namin isinusulat ang saloobin namin,” kuwento ni Direk Laurice.

“Gusto ko, sana ganoon din ang maging celebration namin. I’m still hoping na magparamdam siya (Johnny),” dagdag ni Direk.

Halos maiyak kami nang ikuwento ni Laurice na minsan, noong magmisa ang pari sa kuwarto ni Johnny ay naiyak siya. At nang mapatingin si Johnny sa kanya, sinabi nitong “I love You” na walang boses na namutawi sa kanyang bibig.

“I know he’s prepared to die but he’s not prepared to say goodbye,” sabi ni Direk.

Nang mapag-usapan ang I Love You, Goodbye, sinabi ni Laurice na magkaiba ang dating ng love scenes ni Angelica Panganiban with Derek Ramsay and Gabby Concepcion.

“Kay Gabby, medyo sensual. Kumbaga sa gourmet, may wine and all the trimmings. Kay Derek naman, passionate,” description ng direktora.

Sinabi rin ni Laurice na mahalaga ang shower scene ni Angelica.

“Hindi ito basta idinagdag lang. Importante ang shower scene. The scene was like akala niya (Angelica) ay iniwan na siya nang isa. It wasn’t just there for the effect.”

Natuwa si Laurice at na-ideliver nina Angelica and Derek ang requirements ng kanilang romantic scenes sa beach.

“Ay naku, marami silang nalunok na buhangin sa beach,” tsika niya.

HINDI NA RAW nag-renew ang dalawang celebrity na kabilang sa isang early morning show sa isang network.

Ang feeling nila kasi, parang hindi sila super-welcome sa network kahit na ilang taon na rin silang nagsilbi roon.

Ang gusto kasi nila, tuwing may renewal of contract sila ay kasama na rin doon ang increase sa kanilang suweldo. Ang kaso, hindi ganoon ang nangyayari. Wala silang tinatanggap na increase. Gusto sana nilang humirit ng increase pero nahihiya naman sila.

With this, napagpasiyahan na lamang ng dalawa na hindi na lang mag-renew ng kanilang kontrata.

Next year, malamang ay hindi na natin makita ang mukha ng dalawang ito sa umaga.

HOW TRUE NA pinagbilinan ng isang sikat na TV personality na ipag-shopping ang mga magagaling na singer na kanyang kinuha kamakailan bilang konsuwelo sa magaganda nitong performance?

Kabilin-bilinan daw ng popular personality, bilhan ng kung anu-ano ang singers na nag-perform sa kanyang magandang laban. Ang kaso, hindi naman daw ito natupad. Walang shopping galore na naganap at umuwi na lang ng bansa ang mga singer na parang wala lang.

Nakarating sa singers na may bilin na ipag-shopping sila kaya sumama ang loob ng mga hitad.

True ba itetch?

Ang popular personality ay kilala sa pagiging galante kaya malamang ay true ito.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

6 thoughts on “Sikat na personality, ‘di tinupad ang pangakong ipagsi-shopping ang kinuhang singers?! – Alex Brosas

  1. Naku ginamit nanaman ang patay sa publisidad ng pelikula kawawa naman binulabog nanaman ang pananahimik. Pati ba naman pag dadasal ay ibrobrodcast pa, sinasslubong ang pasko tapos nagdarasal kami…. echos para bang sila lang ang may prebilihong mag dasal. hindi daw added gimmick yung shower ni Angelika kahit na nag alis nang saplot sa katawan na natural lang naman hindi daw teaser pero brinobroadcast. hay lourice tumigil ka.

  2. di ko na maalala ang mga shows na pinatabo ng SIS na 8 years na daw namayagpag.. ang alam ko lang shows nina boy at kris, rugga and ai yung iba limot ko na po.

  3. sina carmina v….at gelli de belen ba itech………………………………..

    na pagkatapos mapakinabanagan at pataubin lang ngshowtime ay itsapwera na lang talaga……….

    isama pa ang three dads and one mommy sa nagpataob sa sis

    • para bang sila lang ang nakatulong sa jee em ey, natural business kung nalulugi na ang show tigbakin na alangan namang lugi na tataasan pa ang suweldo, dapat nung namamayagpag ng asked na sila ng increase ng salary hindi kung kailang tigbak na. wala ring utak etong si gellie na asawa ni ariel. mga oa naman at dinadala lang ng mga bayaring publisidad ng jee em ey. hay naku MOVE ON

    • TV host-dancer Regine Tolentino and Eagle Riggs allegedly refused to renew their contract with GMA-7 because their talent fees were not hiked.

      The two who co-host the network’s early morning show “Unang Hirit” were said to have expected a bit of an increase in their new contract. According to sources, this did not materialize.

Leave a Reply

Your email address will not be published.