Sikat na personalidad, pinapersonal ang mga ayaw sumama sa kanyang kampo! – Cristy Fermin

UNTI-UNTI NANG LUMALANTAD ang tunay na kulay ng isang sikat na personalidad. Sa libro ng kanyang buhay, kapag hindi ka niya kakampi ay kalaban ka na niya, pepersonalin ka na niya.

Nu’ng una ay bait-baitan pa ang sikat na personalidad, nanliligaw pa kasi siya. Pero kapag nalaman niyang hindi pala kabilang sa kanilang balwarte ang artista ay tinatatakan na niya ‘yun.

Matagal nang nambabraso ng mga artista ang sikat na personalidad para sumama sa kanilang kampo. Talagang naglalaan siya ng panahon para lang sa pagte-text sa mga artista at pulitikong gusto niyang makasama nila sa partido nila. Pero hindi lahat ay nakukuha niya sa kanyang pambabraso.

May mga artistang may sariling dahilan kung bakit ayaw nilang sumama sa grupo ng sikat na personalidad. May karapatan silang tumanggi, kaya napapahiya siya.

Nu’ng minsan ay tinext niya ang isang kilalang personalidad, ang sabi niya, “Ayoko na sa iyo, hindi ka sumama sa amin, good luck na lang sa iyo.”

Ang pinadalhan ng text ng sikat na personalidad ay isang aktor na tatakbo sa isang mataas na posisyon, pero hindi sumama sa kanilang kampo. Kaya malaki ang tampo niya sa naturang aktor-pulitiko.

Sabi ng mga nakakausap namin, “Bakit kailangan niyang mambraso? Karapatan na ang nakataya rito, kaya bakit niya pinanghihimasukan pati ang personal conviction ng mga artista?

“Hindi ba mas maganda kung ang mismong artista ang magsasabi sa kanya na gustong sumama sa kanila? Bakit siya nambabraso? Sapilitan na ba ang labanan ngayon?” Marakulyo ng aming kausap.

At may komento pa kaming narinig kamakailan, ang sabi, “Hindi n’yo ba napapansin, humihina na ang minamanok niya? Nu’ng una talaga, kanila ang momentum, pero habang tumatagal, bakit ganu’n na? Humihina na ang puwersa nila, marami nang naiinis, ang sikat na personalidad kaya ang reason kung bakit?”

Puwede. Maaari. Baka nga. Mismo! Korek!

NAPAKALAYO SA BITUKA ni Willie Revillame ang makihalo sa mundo ng pulitika. Kahit katiting na interes lang ay wala sa kanya, pero totoong-totoo na napakaraming lumalapit sa kanya para gawing kandidato sa kanilang partido.

Meron pa ngang pulitikong nagsabi sa kanya, “Alam mo, Willie, palawakin mo na ang pagtulong mo, huwag ‘yung ganyang apat na pares ng contestants lang sa Willie Of Fortune ang napapasaya mo.

“Kung puwede mo namang mas palakihin, bakit ang hindi? Kumandidato ka, panahon mo ngayon, siguradong mananalo ka,” komento ng isang pulitiko kay Willie.

Maraming nagpapayo ng ganu’n sa kanya, nakakailang meeting na nga siya sa iba’t ibang grupo, pero sa pagtatapos ng kanilang meeting, isa lang ang sinasabi ni Willie.

“Hindi po ako pampulitika, kung ginusto ko lang, ‘di noon pa sana? Pero hindi ko po kasi nakikita ang sarili ko na nasa isang opisina, sa labas talaga ang destinasyon ko. Parang public service din naman ang ginagawa ko sa Wowowee araw-araw.

“Pasensiya na po, pero talagang hindi ako designed para sa politics. Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko sa mundo ng politics,” standard niyang litanya.

Money and power daw make people comfortable. Sa aspetong ‘yun ay hanga kami kay Willie, meron na siyang kayamanan, pero hindi niya pa rin hinangad ang kapangyarihan.

Guwardiyado pa rin ng sikat na TV host ang kanyang huwisyo.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

40 thoughts on “Sikat na personalidad, pinapersonal ang mga ayaw sumama sa kanyang kampo! – Cristy Fermin

  1. HAAHHAHAHAH! PUTA KA TALAGA CRISTY.
    BAT HINDI KA PA MAMAMATAY.
    BALUKTOT ANG UTAK MO.
    SANA KUNIN KNA NI SATANAS.
    GOOD LUCK SA BUHAY MO.
    EEEEWWWWW!!!!

  2. Borninfriscocali, you are indeed a good obsever and listener. Now she realized that reporters are starting to dislike her and found out that there are much better hosts than her. Hindi naman kasi hosting ang style niya, kasi puro papuri sarili ginagawa niya and bragging about everything in her favor. She can’t make comments on Krista kasi she used to be like in her shoes.

    • I AGREE. NEVER NA NAGKAROON NANG COMMENT AND OBSERVATION TUNGKOL SA ISANG CELEBRITY NA HINDI NAG COMPARE SI KRIS SA SARILI NIYA. MASYADO SIYANG MABABAW AT SUPERFICIAL. ‘PAG TINANONG NI WILLIE SIGURO KAY KRIS “WHAT IS YOUR MOTTO”, SIGURADONG ANG SAGOT NIYA AY “ME, MYSELF AND I COME FIRST BECAUSE I LOVE MYSELF” . . .

  3. Kris Aquino has become a favorite topic lately. I saw today’s SNN. People have questioned if Joross Gamboa deserves the best actor award versus John lloyd Cruz. Kris has shown a hint that she does not agree with the PMPC decision. Is it because she did not win the Best female showbiz host cateory which of course was given to Toni Gonzaga? Boy Abunda has explained to her that the PMPC decision was made by a 27 member panel. Sabi ni Kris, gagawa na lang siguro siya nang sariling award giving body. I AGREE WITH THE PMPC DECISION. TONI GONZAGA IS MORE DESERVING OF THE AWARD IN THE TRUE SENSE OF THE WORD “HOST”. SI KRIS, MAGALING LANG SA TAKLESA. SHE WILL BE A PERFECT CRITIQUE HOST SIMILAR TO THOSE THAT CRITIQUE THE OUTFITS AND LOOKS OF STARS THAT WALK THE RED CARPET IN THE EMMYS OR THE FAMAS IN OUR CASE. I CONSIDER HER IN THE SAME CATEGORY AS JOAN RIVERS. MAGALING MAGBITAW NANG MASASAKIT NA SALITA PAG NAG KRI=CRITIQUE SIYA. WALANG DIPLOMASYA.

    • EH TAKLESA NGA KASI KAYA WALA NA TAYONG MAGAGAWA DUN. TINGIN KO DYAN AY IKINAHIHIYA SIYA NG MGA COJUANCO AT AQUINO CLAN. SIYA LANG ANG BABAE NA NAMANHIKAN SA LALAKI NA ALAM KO.

  4. Laniks, if Cristy doesn’t exist to you, why are you wasting your time reading her article. Kahit mabango Ang hininga ni Kris, useless kasi pinabaho na niya dahil sa ugali niya. She needs a professional help.

  5. putcha…cristy kaya ka nakakarma dahl sa kawalanghiyaan mo..di mo na lang pakialaman ang sarili mo..kahit na bumaba ang rating ni noynoy pero layo pa din ang gap nila ni villar.sus tumahimik ka na lang.bayaran mo mga utang mo madami pang matutuwa syo..kaya walang kumukuha syo eh…

  6. kris aquino a disgraced to her family. definitely…, not a role mother, star,… as in morality, attitude issue, in fact till now she got 2 kids, and not tying knot so far, so mga bastardo anak nya. Shes only friend so far, boy Abunda na obvious na pagkainis niya on and off cam.. well its painfull, but thats the reality.

  7. Yvonne, there’s a huge difference between totoong tao and just pretending to be totoong tao. If you hurt other people for no reason, like for being tactless and inanppropriate, it’s not totoong tao. Kris mouth is worst like garbage and septic tank, because she doesn’t care if she will offend others. It’s already a habit. She doesn’t have sincerity and respect, she wants all the attention and power, popularity, she wants to above everybody else. The reason why she’s not reacting to the issues is the fact that it’s all true and it’s all facts. Wake up Yvonne, don’t be so fanatic. there’s no reason for reporters to destroy Kris, because she already destroyed herself long time ago. She’s a disgraced to Aquino family and should never be patronized especially kids. Bad example and she’s too much

    • cristy baka ang mouth mo ang worst like garbage and septic tank, kahit loud si kris, i’m sure mabango pa rin ang hininga di tulad ng sau. di ka papansinin ni kris dahil for kris and us, her followers, you do not exist. ok?

  8. ang magaling kay cristy si willie, si joey kasi yan ang mga nagbibigay sa kanya dati si manny pero bwisit na sa kanya si manny

  9. hay naku cristy! kng ako sa yo tumigil na ako sa kakatira kay kris di ka nya pinapansin kahit nga painagkakakitaan mo na sya sa mga tabloids na pinagsusulatan mo dedma pa rin… dapat magpasalamat ka sa kanya kahit na puro pambabastos lahat na sulat mo sa kanya.. pero sorry marami pa rin talaga ang nagmamahal kay kris kasi totoong tao sya. baka di mo alam may platinum na naman sila no baby james remember yong bata na gusto nyong patayin sa tiyan ni kris.. hay naku naalala ko na naman ang mga kasinungalin ng lahat na tabloid reporter na galit sa kanya para sirain ang pamilya ni kris

  10. kawawa ka naman cristy fermin wala ka na atang kabuhayan c willie na lang arawan ka ba dian kay willie pranka lang c kris d cia bitter tulad mo guest pa nga nia c erap db ikw cristy balimbling ka naman kung wala ng abot c willie sa yo bubukelya mo na baho nia kc trabaho mo yan db

  11. hay naku shrek! nag aampalaya ka na nmn, bitter ka lang kase tsugi kana sa the buzz, haha iba nman ang style of writting mo ngayon ha, ala na bang mapiga sa utak mo para sa mala “balagtasan” mong article? pa photoshop mo ngang mabuti yang pic. mo, am bantot eh!

  12. Obvious nman na c Kris at yung actor eh c Edu…Hay naku minsan talaga dapat rendahan yang c kris baka cya pa magcause ng pagkatalo ni Noynoy….

    C Kris maraming galit dyan kasi most of the time hindi sincere yung kagandahang asal obvious nman na bratinela forever at kahit kelan hindi nagmature yung utak 40 years old na pero feeling 20 lang kaya maraming bwiset s kanya………..

  13. sipsip ka kasi masyado cristy fermin. lolit fermin umandar ka na naman. okey ang grammar mo ngayon ah!! siguro nagreview ka. hahahahaha

  14. PAG SA PULITIKA KC DKA NAUUBUSAN NG PERA MAHINA KANG POLITICIAN IF DI KA MARUNONG KUMURAKOT LALO NASA PILIPINAS MAGMULA SA PANGULO,EH PAG ARTISTA KLANG KUNG LAOS KNA ALA NA…ALA NA RIN WATUT!!!

  15. He should stay out of being a politician, enough of artista in government. Please don’t bring back lito lapid in the senate, he’s useless and didn’t do anything.

  16. Kristeta, you’re right, she choose her friends and people she wants to talk to. Plastic talaga yang wife ko. She doesn’t have respect to people and sincerity. She needs to act like that to compensate her countless failures in life, but deep inside, she’s totally empty. I should know

  17. Obvious naman ang attitude ni Kris sa mga Hindi niya kakampi. Masyado kasing naging biglang mabait siya sa mga sikat na artista at always puri niya, 360 degrees turn. Ang sincerity ay hindi maramdaman sa action and words niya. Tahimik Lang Kris about MP-KR kasi siya Ang dating KR. Nakakatakot na manalo kapatid niya, kasi enjoy sa power at popularity Kris

  18. naku kung talagang matapang ka cristy segi nga huwag ka ng mag blind2 item pa, naku inggit ka lang kasi wala ka na sa buzz buwa hahahahaha…………..

  19. anung sinasabi i Willie na ” Puclic service” ginagawa nya sa Wowowee? Tanung lng, pera nya ba pinamimigy nya sa mga contestants? Hindi, dapat pasalamat pa siya sa ma taong natitiyagang manood sa kanya kse kundi lng don wala siyang pagkakakitaan…Magpaka-humble daw ba? Hindi bagay..

  20. pusta ako sasabak din yan si willie sa pulitika by next election tigilan mo nga kami cristy sipsip kai willie mag hihirap din yan gago na yan kasi myabang tignan ko lng ko lng kun saan siya pupulutin

  21. tama, si kris aquino nga yung personalidad. nawawala na sa kontexto ng pinaglalaban ng mga aquino ang pinagagawa ni kris kung totoo man ito. pinaglalaban nila ang demokrasya, kung pinipilit ba nila ang tao na i-endorso si noy ay makatarungan ba yun? dapat isipin ni kris na di lahat ng tao, naniniwala sa kakayahan ni noynoy. at di lang iisa ang kakandidato para sa pagiging presidente. ang intindihin sana ni kris ang maipakita sa tao na nararapat iboto si noynoy. kahit ilang personalidad at kahit gaano pa kasikat ang mga ito kung di naman karapat dapat na iluklok sa pagkapresidente si noynoy wala rin. sa totoo lang ngayon nakikita ko na mas stronger president si gibo. i believe na in time and if given the chance he is a good contender. popularity wise, medyo nabahiran dahil sa pagiging administration candidate nya. but if you go over than that, we can give him a chance to show who he really is and what he has to offer. so we will see, baka biglang bumaliktad ang mundo. i just hoped that people will chose the right person to be the president and not just because of popularity. dahil kung popularidad ang pagbabasihan sa pagiging president then daanin na lang natin sa text voting ang ating botohan mas makakamura pa siguro ang pilipinas at less violence pa.

  22. si KRIS AQUINO ksp kasi yan, dapat lahat ng gusto niya masusunod or else… namimili pa ng kausap at kaibigan yan!

    si fermin sinuswelduhan ng amo niyang si willie kaya palaging magaganda lang ang sinusulat!

  23. KRIS AQUINO AT UNG TINEXT SI EDU MANZANO!!

    oh ayan!1 magpatayan na kayo!! pati mga tiga sunod ng pulitiko mgptayan kayo!! kaya hindi tayo umuunlad sa ginagawa nyo!! network wars, magpatayan kayo, ubusan dw ng salitang mssma. bwahahah!!

    nga pla, cristy fermin, sna pinangalanan mu nlng, lgi k nmng huli sa balita. tsk.

      • teka, nagtataka lang ako, diba close kayo ni kris aquino dti miss cristy fermin??? masyado ata masama loob mo, kasi pinatalsik ka sa the buzz. tsk3. number one fan ka pala ni willie. baheheh.

      • i’m not letting the devil use me. nadadala at sobra lang akong galit sa ibang mga kapamilya at kapuso. sa totoo lang. un mga artistang kinasusuklaman nila sobra sila makapanglait. mapa angel oh marian!! naiinis lang ako. bakit nagaaway sa walang kwentang bagay, ndi nmn sila ngkkapera dun. kaya eto ako ngayon. magaway-away sila. nkkleche kasi eh, nagsimula sa lecheng network wars, affected aq, xmpre idol q un dlwa. prng mga tanga tlga ibng filipino. sana naintindihan mo po.

      • sa mga comment mo ay you’re just giving the devil a chance.. pwede ka naman mag comment kung gusto mo pero iwasan mo na sana ung mga salitang nakaka-offend sa mga mambabasa tulad ng salitang pu….e. hindi ko alam kung babae ka o lalaki pero pinabababa mo lang ang pagkatao mo sa mga sinasabi mo.

      • ur right!!!!
        kung tlgang galit k sa mga kapuso at kapamilyang cnsabi mo..u can even use words na hndi sobrang bulgar.
        sa mga comments mo kitang kita kc ang laki ng galit mo sa mundo. just be cool and comment w/ our using bad words.

      • okei lang yan. yan naman ang gusto kong mangyari eh. diba lagi naman nagaaway ang mga kanguso at chupamilya. batuhan ng masasakit na salita. maganda tong gngwa ko. pra mgcng cla!! marealize man lang nila ung mga sinasabi nila sa kapuso at kapamilya. non-sense ang mga nagaaway. actually, wala aqng glit sa mundo. naiirita lng aq, tuwing ngbbasa q, dhl smga nagaaway pti ung ANGEL AT MARIAN issue. hindi na matapos tapos dito tuwing ngbbsa q ng article. kya inuunahan q n. mgaway away na cla!! siraan ng siraan cguro, binabayaran cla.

Leave a Reply

Your email address will not be published.