Sikat na Gay Comedian, super plastikada; nangha-hunting ng ombre kasama ang gay friends!

BLIND ITEM: Fresh na Fresh lang itong chikka ko dahil sa super gala ko na humanap ng chikka, naloka ako nu’ng naispatan ko na naman itong Gay Comedian na ito na talaga namang ubod ng kayabangan. Ewan ko baka naman lasing lang ito dahil hindi pa rin talaga nagbabago, na kahit papaano naman, sikat na siya.

Makikita mo ito sa gimikan, at ‘te, ang peg ng baklang ito, sight na sight ng dalawang mata ko ay mang-hunting ng ombre kasama ang mga gay friend niya.

Ooops! May lumapit na babae na hindi yata niya ka-close pero pagkaharap niya at nagbeso-beso sa kanya, akala mo talagang close na close sila at nagkumustahan pa. Pag-alis ng babae, sabi ng ka-join nu’ng Gay Comedian, “Knows mo ba ‘yun?” Sabi naman ng baklang hitad ay, “Hindi!”

Ewan ko ba du’n, kanina pa beso nang beso with matching make face. Ang plastic, ‘di ba? Haha! Naku ha? Hindi magandang pangitain ‘yan. Sana alam niyang maraming nasa paligid niya, ‘di ba? Kaloka lang.

Kaya ‘yung mga ganyang ugali, hindi talaga masyadong tatagal ‘yan, ‘te! Hahaha!

By Camille Espeña

loading...

9 thoughts on “Sikat na Gay Comedian, super plastikada; nangha-hunting ng ombre kasama ang gay friends!

  1. Bakit puro ads na lang comment? Wala na tuloy thrill basahin. Sana ma fix nila problem para masarap basahin uli.

Leave a Reply

Your email address will not be published.