Sikat na aktres, plastik ang dating sa TV reporters – Ronnie Carasco

TAMPULAN NGAYON NG mga biruan among TV showbiz beat reporters ang isang sikat na aktres. Narito ang kuwento:

Bida siyempre sa isang event ang aktres na ‘yon, dagsa ang mga magsisipag-cover mula sa iba’t ibang media outlets, kabilang ang isang TV network (na hindi naman nito kinaaaniban).  Isang field reporter mula sa isang early morning news program ang sinalubong ng aktres, sabay excited nitong sinabing:  “Uy, buti na lang, ikaw ang ipinadala.  Kung hindi, hindi ako magpapa-interview.”

Touched naman ang reporter, coming from an actress of her stature ay kulang na lang magsilbing pakpak ang kanyang mga tenga sa abot-langit na papuring ‘yon ng aktres.

Eto na ang sumunod na eksena sa naturang event ding ‘yon.  Isa pang field reporter mula sa TV station pa ring ‘yon, ngunit kumakatawan ng ibang programa, ang buong-giliw na winelkam ng bida pa rin nating sikat na aktres.  “Uy, buti na lang, ikaw ang ipinadala.  Kung hindi, hindi ako magpapa-interview,” sambit ng aktres na parang ini-rewind lang ang kani-kanina’y idinayalog niya sa naunang reporter.

Touched din siyempre ang TV reporter, kung kaya’t ibinahagi naman niya ang kanyang kuwento sa kanyang kapwa nag-cover din ng event.  Naloka na lang ang dalawang reporter nang mapagtantong pareho rin pala silang sinabihan ng ganu’n ng aktres.

Mega-ganda pa ba sa tsikang ito?

BAGAMA’T MAY ILANG political analyst na naniniwalang malaki ang bentahe ni Senator Noynoy Aquino in his presidential bid, may ilan din akong nakausap sa kanilang hanay na tahasang nagsasabing it’s going to be a rough road ahead para sa pambato ng oposisyon.

If Noynoy’s sister Kris is perceived to be an advantage, hindi ito ang pananaw ng marami.  “Kris is going to ruin her brother’s campaign,” ang malutong na pag-aanalisa nila.

Kunsabagay, halatado naman kasi ang karakas ni Kris shortly before and after idineklara ng kanyang kuya ang pagtakbo sa karerang pampanguluhan, capitalizing on the 40th day since their mom passed away.

Ayon pa sa aking nakausap, while the so-called Cory magic is still strongly felt, baka raw hindi ito ma-sustain until the election period.  “Sawa factor” over the present euphoria might get in their way.

Huwag din daw magkaroon si Noynoy ng kumpiyansa kay Kris despite her high-profile celebrity status.  Sa ginagawa raw kasi nitong panghihimasok ultimo sa pananamit at hitsura ni Noynoy, hindi malayong lalampas pa si Kris sa itinakdang linya lang ng kanyang pangingialam.  Idagdag pa na pati ang lovelife ni Noynoy ay sinasaklawan na ng kanyang bunsong kapatid.

“Actually, it’s a combination of everything,” sey ng aking source if only to get his message across that Kris can be Noynoy’s liability more than his asset.

Personally, pansin ko ang pagiging friendly ni Kris these days.  It’s all put-on.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

28 thoughts on “Sikat na aktres, plastik ang dating sa TV reporters – Ronnie Carasco

  1. Sana mag-comment naman kayo ng may sense hindi yung basta makapanlait lang kayo. Sana tingnan niyo maige sarili niyo sa salamin at kung anong merong klase ng pamumuhay meron kayo. Batu bato sa langit. Ang tamaan…bahala ka na anong gusto mong gawin!

  2. hala grabe mkapanglait ang mga tao rito…ang babaw ng mga rason just to hate other people kaya wag na taung magulat kung bkit ganito ang pilipinas.mula sa gobyerno hangang sa mga komentador ng mg isyung ganito ay pare pareho…ang gagaling kc natin magsalita at mamintas ng kapwa.peace!

  3. si sharon nga yan. super-duper mega-over sa pagka-plastik yan. lahat ng guest nya sa show nya, puro ‘favorite’ nya lahat. potah! at kung mag-inarte kala mo bata, di na bagay, kakasuka!

  4. ano namang masama sa cnabi ni sharon…i dont see anything wrong…sobrang pleaser lang syang tao at di plastic…totoong tao sya….namimis interpret lang lagi

    • tanga ka ba, sample ha para sa mga tangang katulad mo. 2 kyong lalaki nanliligaw sa 1 babae tapos parehas kyong sinabihan na sasagutin kyong 2, ano mararamdaman mo? wag kang tanga, mag isip ka gamitin mo utak mo wag utak ng manok.

  5. hay nku wag ng manghula… di bale na di nman negastar..wth kung mukhang bakla si sharon at kc ano na ang d rest ng pinoy…hmmm c kc khit di pa artista sikat na at di na mauubos ang datung, kulangot lang niya ang idol nyo…

  6. to the author

    ang babaw ng mga reasons mo para iparating sa mga mambabasa ang di mo pagsang-ayon sa kandidatura ni Noynoy. halungkatin ang abilidad at family history, national achievement at first and foremost, ang tinatamasang demokrasya ng bayan mo bago ka kumatsang. KE BABAW MO KAYA!

  7. whatever!! marami nmang nkikisakay sa mga tga-showbiz pbyaan nlang, eh mag-kaiba nman plang programa eh…no big deal.. lahat nmang tao nkkharap nya sinasabihan niya i like you it doesn’t mean ur tupperware meron tlga ppl gusto e-please ang lahat..tulad nitong writer nto kpag nksalubong nya si sharon beso beso pa yan….

  8. kung si Mega Sharon itong tinutukoy nilang plastik ang dating sa TV reporters eh baka naman ang mga Reporters ang sanay na sa plastikan at hindi sana’y sa pagiging totoong consistent pleaser ni Mega Sharon, who knows lahat ng invited na mga reporters sa event na yon lang siya talaga nagpapa-interview kaya’t ini-rewind lang niya sa kanilang lahat isa-isa :P.

  9. as i can read the article, wala namang mali sa sinabi ni sharon kung sya nga talaga ang tinutukoy sa article na to…its just so happened na talgang ganun sya and she’s known to be pleaser…ang mahirap kung nagsabi sya ng ganun sa 2 reporters tapos di naman sya nagpa interview…un lang….so walang problema sa sinabi nya…

  10. Kris, please…just shut up! stop updating the public about noynoy’s wardrobe, hairstyle, love life, etc….I know you’re just trying to help with the campaign but it really gives us the impression that you’re too much of a PAKIALAMERA. We don’t want a President who always adheres to his bratty little sister’s beck and call!

    Yung mga “pahaging” mo about not liking Shalani is a huge turn-off! You’re the least credible person to give advice when it comes to making a good choice for a lifetime partner!!

    • Right On Kaye! You Nailed her! Super pakialamera nga..why can’t her other older sisters tell her to Shut Up for a change. Takot siguro kay Tetay.

    • bakit si marian lang ba sikat na actress? inggit ka lang sa beauty ni marian….baka ikaw ang fanget hahahaahhahahaha. manalamin ka muna bago manlait sa kapwa ha…..may karma yan.

    • c marian at least totoong tao. lumalaban, dhl cavitenia, pg alm nyang tama xa. ndi katulad ng ibang artista. kung alam mo lng. ang tito q ngtrabaho dti sa dos, lumipat sa syete. anu ka? kya lm q lht ng baho ng dos at ng syete. whahah. infairness, ms mrme s dos. =p

      • i agree with u…mgkamukha nga sila ng bakla naming kapitbahay.

        si sharon super oa dn kung minsan..sobrang pa cute.

      • tama nga super mega balimbing–if she only knew ginagamit lang siya ni KIKO…kaya super insecure ang Nega star kain ng kain to put her troubles at bay. Obvious ba? Hindi na siya happy!

Leave a Reply

Your email address will not be published.