Sikat na Aktres, Pinaguguwardiyahan ng Mister sa Set!

DRESSED IN MINNIE Mouse, maagang dumating si Ai-Ai de las Alas sa kanyang pa-Christmas party for the press at City Best (home to a number of showbiz events, that sponsored the comedienne’s, hmmm, well-attended affair).

Nang malaman nga ng Tanging Ina na marami na ang press in attendance, nag-text ang hitad: “Bakit ‘pag may pa-raffle, walang nale-late? He, he, he!” Nakasanayan na rin naman kasi ng press ang pagiging generous ni Ai-Ai, with or without a movie to promote ke Pasko o hindi. Kine-claim ko na, being her college friend cum kumpare (to her youngest child Sophia petnamed Budang), mawawala na ang lahat ng mga gamit niya sa bag except for her checkbook!

Nasa bungad lang halos ang table namin sa City Best, kung saan tinabihan kami ni Ai-Ai. Pangako ng hitad, hindi man daw kami palarin sa raffle ay, “Neng, alam mo na!” How prophetic, dahil ang inakala kong binilot na pangalan ko sa papel ay wala pala sa bunutan to think na ikapito ako sa listahan sa registration! Paging Maryanne of Backroom, Inc.

Anyway, Ai-Ai is pinning her hopes that her Tanging Ina (Last Na ‘To) would make a killing at the box-office sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. The Comedy Concert Queen is heavily banking on the mother and gay crowds to whom the movie, after all, is especially dedicated.

AT THE RISK of incurring the ire of Sarah Geronimo’s fans, whether they like it or not, ang teleseryeng Idol ng kanilang idolo ay hindi gaanong kinagat. Hence, maaga nga itong tinapos. Let’s face it din naman kasi, Idol was a copycat of Regine Velasquez’s Diva, idagdag pa ang ill-timed airing nito kung kailan the nation was in hysterics over Charice Pempengco who made it to Glee.

But it’s certainly not the end of Sarah’s career, sabihin na nating she has yet to level up to Charice’s international feat. Maugong kasi na dahil patapos na ang kontrata ni Sarah sa ABS-CBN this year, an option not to renew it is in the offing. Dito rin pumapasok ang tsikang Sarah’s next career move is to join TV5.

Kung tutuusin, this is not an unlikely agenda. Sarah is a Viva artist, and Boss Vic del Rosario’s business conglomerate is behind Willie Revillame’s Will Productions that has sowed the enterprising seed in TV5. Idagdag dito ang “Twitter war” waged against Sarah—although hindi siya pinangalanan—ni Cristine Reyes.

So, possible ba ang pag-kabilang-bakod ni Sarah to keep her mind off an unpleasant past, kasama na rito ang pakikipagkalas sa kanya ni Rayver Cruz? For the moment, ito ang dapat abangan ng mga tagahanga ni Sarah, whose eventual transfer to the Kapatid network may just—who knows—be a better career strategy.

BLIND ITEM: MAKAHULUGAN ang tinuran ng isang sikat na aktres tungkol sa kanyang nakababatang kapatid who—in her words—“is going through a difficult time”. Kung career ang pag-uusapan, mukhang hindi ito ang problema ng kanyang kapatid, kundi ang usapin tungkol sa buhay-may-asawa nito.

The past months had seen the actress’s younger sister caught in an ugly situation, as exposed by the latter’s nemesis (also an actress). Pero kaagad itong pinabulaanan ng kampo ng ineskandalong aktres.

The latest story, however, shifts to a more seemingly believable buzz. Involved uli ang kapatid ng aktres sa umano’y kapareha nito sa isang “seasonal” TV show, at ito ngayon ang ikinababahala umano ng kanyang mister.

Bilang patunay raw ng pagkaapekto ng mister, lately ay pinasamahan na niya sa ilang security men ang kanyang misis sa set. Watchful eyes are now on the actress, pero maingat naman daw ito sa kanyang mga ikinikilos.

Ewan kung ang problemang ito ng mag-asawa ang tinutukoy na “difficult time” ng isang sikat na aktres, but she would rather zip her mouth… for now.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.