Blind Item: Sikat na aktres, nagpalaglag kasama ang road manager!

OLA CHIKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku mga kafatid, nalerke ako nang i-chika sa akin ng aking Parazzi Girl na itong si sikat na actress ay nagpalaglag noon. Halerrr! Yes, it’s true mga kafatid, dahil ang aking Parazzi Girl ay nagpunta sa lugar kung saan nagpa-abort itong si aktres at mismong doctor ang nag-chika na kaibigan rin ng isang Ob-Gyne na tumulong pa mismo sa actress upang matuloy ang plano nitong tanggalin ang bata sa kanyang tiyan.Tsk… tsk.. tsk! Naloka ako. Dinayo pa ng actress kasama ang kanyang road manager ang clinic ng doctor. Naku, ha! Pati ang doctor ay kasabwat ng mga hitad, huh! At ang nakakaloka, para manahimik itong si doctor ay give daw itong si actress ng maraming datung upang hindi ibunyag ang kanyang lihim. Naku, ha! Hindi na natakot si actress sa karma. Pati itong road manager niya ay kinukunsinti ang ganitong kababuyan. Hmm…. Naku, nahulaan n’yo na ba? Hmm.… Mahirap magbigay ng clue sa actress na ito. Basta, sikat ito ngayon at nagmamaldita na rin. ‘Yun na!

by Tita Swarding

Previous articleManny Pacquiao, napatulog – Gorgy Rula
Next articleTanda Ba News?: Angel Locsin, nag-cutting class lang, shining star na!

No posts to display