Blind Item: Sikat na aktres, may insecurities sa boyfriend kaya nagbibilad ng katawan?

MAY insecurities nga ba ang sikat na aktres sa kanyang boyfriend na sikat ding aktor kaya tila nawiwili na itong magbilad ng katawan?

Bago pa kasi naging “officially on” ang relasyon na dati’y pang TV at pelikula lang, laman ng mga item ang sikat na aktor bilang “playboy” umano. Iba-iba kasing babae ang nakikitang kasama nito sa mga gimikan.

May chika nga na pinagselosan umano ng sikat na aktres ang isa sa kanilang co-star sa dati nilang teleserye, kung saan napapansin ng sikat na aktres na hindi maalis ang tingin ng sikat na aktor sa co-actress na naka-love triangle nila sa teleserye, lalo na nang magsuot ito ng bikini.

‘Yun daw umano ang dahilan kaya naging madalas ang pagsusuot ng bikini ng sikat na aktres na mabilis namang kumakalat sa social media ang mga litrato.

Wala ngang paki ang sikat na aktres kung lumitaw man ang pisngi ng kanyang monay o sumilip ang kanyang kuyukot sa suot na bikini.

Para ngang sinasabi nito na, “Hoy! Makikita mo sa akin ang lahat ng makikita mo sa ibang babae, kaya sa akin ka lang tumingin!”

Eh, sino ba naman kasing lalaki ang hindi mapapako ang tingin sa mga litrato niyang naka-bikini?

 

By Parazzi Boy

Related Post

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Sikat na aktres, may insecurities sa boyfriend kaya nagbibilad ng katawan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.