SIKAT NA AKTOR, ‘NAGMERYENDA’ KASAMA ANG ISANG MEMBER NG ISANG ALL-MALE GROUP!

BLIND ITEM #1: Kinsa siya? Isang ‘unimpeachable’ source namin ang nagsabing nakita niya ang not so controversial showbiz reporter na naging girlfriend ng isang sikat na actor/singer/TV host noon na nag-audition sa news department ng TV5.

Ang controversial na showbiz reporter na ito ay naging mainit sa showbiz nang nagkaroon ito ng karelasyong sikat na actor. Hindi nila naamin nang diretso noon ang kanilang relasyon, pero madalas na sila ay nakitang magkasama ng actor. Isang young gay TV host pa ang nakakita sa kanila sa isang parking lot na sweet na sweet. Maging sa mga out-of-town adventures ng lalaki sa isang surfing destination ay palagi pa rin silang magkasama nito.

Ngayong nagparamdam siya sa TV5, ibig bang sabihin nito ay hindi na siya masaya sa kanyang trabaho bilang boses ng isang showbiz show? Or career move ito at gusto na rin niyang magtrabaho sa harap ng camera?

Abangan na lang natin kung nakapasa ba siya sa audition at tiyak na makikita na natin siyang magbabalita na sa Kapatid Network.

BLIND ITEM #2: Kinsa siya? May ginagawa raw na pelikula ngayon ang kontrobersiyal na sexy young actress.  Medyo may pagkaseksi ang pelikula, kaya natural lamang na medyo seksi rin ang ipapasuot sa kanya ng production. Pero tumatanggi raw madalas itong sexy young actress dahil kailangan pa daw itong aprubahan ng dyowa niya. May gano’n?

Tanong ng production, sexy film ang kanilang ginagawa at nakilala rin siya sa pagpapaseksi, bakit parang nagpapakahitad daw ito?

May isang bed scene na ayaw raw isuot ang required outfit ng production. At ang mas nakakaloka, pina-pack-up daw nito ang sarili sa taping, kaya nagalit ang direktor. Nakakaloka!

BLIND ITEM NUMBER 3: Kinsa siya? Bumuhos ang mga texts-tanong nu’ng Miyerkules sa aming radio program sa Radyo Singko dahil sa isang nakakalokang blind item na inilahad ni Nay Cristy Fermin.

Ilang minuto lang kasi nu’ng nagsimula na kaming umere nina Richard Pinlac at Elmer Reyes ay may isang very unimpeachable source ni Nay Cristy ang nag-text na kasalukuyan siyang nasa isang restaurant sa Quezon City nang dumating daw itong sikat na aktor kasama ang isang miyembro ng all-male group. Gano’n?

Bakit gano’n? Nagmeryenda daw ang dalawa. Kaya naman ang daming humula kung sino ang mga personalidad na nabanggit at halos lahat sila ay nasapul kung sinu-sino sila.

Naku, ha! Puputok din ang balitang ito at nagtataka lang kami, paano kaya sasagutin ni sikat na aktor ang isyung ito?

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

6 thoughts on “SIKAT NA AKTOR, ‘NAGMERYENDA’ KASAMA ANG ISANG MEMBER NG ISANG ALL-MALE GROUP!

Leave a Reply

Your email address will not be published.