Sigaw ni Ex-MPD Chief: “I DID MY BEST”

Mariing ipinahayag ni Chief Supt. Rodolfo Magtibay noong Miyerkules na ginawa niya ang lahat bilang ground commander noong kasagsagan ng hostage crisis na pumatay sa walong turistang Tsino noong Agosto 23 at sa hostage-taker na si Senior Insp. Rolando Mendoza.

“All I can say is that I’m sorry for the unnecessary loss of lives. I would like to extend my condolences to the families [of the victims],” tugon ni Magtibay sa National Bureau of Investigation.

“I did my best, I did my best,” pahayag ni Magtibay sa isang Hong Kong journalist.

Nagbigay si Magtibay ng kanyang statement sa NBI tungkol sa palpak na tangkang rescue, na pag-aaralan pa ng five-member commission na pangungunahan ni Justice Secretary Leila de Lima simula sa Biyernes.

Nakidalamhati naman sa pagluluksa ng international community si Philippine National Police Director General Jesus Verzosa kasama ang kanyang mga tauhan sa pagdiriwang ng National Crime Prevention Month noong Miyerkules.

“We assure our people, including the international community, that the PNP will cooperate with the investigation. The men on the ground at that time are being investigated,” aniya.

“We hope we will all be united in moving on after this incident. Those who may have committed some lapses, sanctions will be given to them,” pahayag pa ni Verzosa.

Hindi naman daw nagkulang sa pagtutok at pagbibigay-gabay si Verzosa sa mga opisyal na humawak ng hostage situation na sina  Magtibay at National Capital Region Police Office Director Leocadio Santiago.

Nagbigay rin ng statement si Jorge Sacdalan, abogado ng Radyo Mindanao Network (RMN) na nag-interview noon kay Mendoza bago ito nagpaulan ng putok sa loob ng bus, sa opisina ng NBI noong Miyerkules.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Sigaw ni Ex-MPD Chief: “I DID MY BEST”

  1. Pingback: Celebrities with Herpes › This Week In Tabloids: Ashton Cheats On Demi [Midweek Madness]

Leave a Reply

Your email address will not be published.