SIGAW NG BIDA SA MAMA’S GIRL: Walang Sylvia Sanchez kung wala si Mother Lily Monteverde!

Sylvia Sanchez and Mother Lily

AYON SA nanay ni Sofia Andres na si Sylvia Sanchez sa pelikula ng Regal Entertainment na Mama’s Girl, wala siya sa showbiz industry kung hindi siya sinugalan ni Mother Lily Monteverde.

“Kaya thankful ako sa movie na ito, kasi si Mother Lily, bumalik siya sa akin at bumalik ako sa kanya. Kung anuman yung istorya namin ni Mother sobrang kong tini-treasure yon,” pahayag ng aktres.

“Si Mother Lily ang nagdiskubre sa akin. Pero kung ano yung kuwento namin, sobrang haba kaya huwag na lang, aabutin ng isang araw kung ikukuwento ko at hindi ko ididenay ang mga pinagdaanan ko.

“Kasi kung wala si Mother Lily, wala rin ako. Wala si Peque Gallaga, wala si Lorie Reyes. And utang na loob ko kay Mother  yon at never kong kakalimutan sa tanang buhay ko yon.”

Matitipid naman ang naging reaksyon ng Regal Entertainment producer sa parang tribute na rin sa kanya ni Sylvia.

“Thank you. I love you, Sylvia,” sambit ni Mother Lily. 

Samantala, bukod kina Sylvia at Sofia ay kasama rin sa pelikulang Mama’s Girl na idinirek ni Connie Macatuno sina Diego Loyzaga, Jameson  Blake, Karen Reyes, Yana Asistio at marami pang iba.

Palabas na ang pelikula sa Jan. 17.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.