Sigaw ng 500 pamilyang ide-demolis: relokasyon!

PINANSIYAL AT RELOKASYON ang hiling ng may 500 pamilya sa Caloocan City na nakatakdang i-demolis sa darating na September 6, 2011.

Personal na nagpunta sa Northern Media Group si Gng. Rose De Jesus, Pangulo ng Bagong Sibol Homeowners Association (MOVANT’s) sa Gumamela St., Reparo, Baesa, Caloocan City, upang hingin ang tulong ng media.

Ayon kay Gng. De Jesus, hindi nila inaangkin ang lote na tinitirikan ng may 250 kabahayan, pero giit nito na sana’y mabigyan sila ng financial assistance at relokasyon bago sila paalisin.

Sinabi ni Gng. De Jesus na karamihan sa kanila ay 40 taon nang nakatira sa lote na marami ang umaangkin.

Kuwento ng ginang, noong 1965, dalawa ang lumutang na may-ari ng 600 square meters na lote na sina Bibiano Vine at Narciso Aquino.

Binili ni Aquino kay Vine ng halagang P15,000 ang nasabing lupa hanggang sa mapunta naman ito kay Simplicio Rivera, matapos na pumanaw si Aquino.

Taong 1991, nagdesisyon si Judge Adoracion Angeles ng Caloocan City Regional Trial Court na bayaran na lang nang hulugan sa loob ng limang taon ng mga tenants ang lupang kanilang tinitirikan, pero hindi sila inimpormahan ng kanilang abogado na si Atty. Concepcion.

Dahil doon, nag-file na ng demolition sa korte si Rivera at ipinalabas ito noong 2009.

Dalawang taon ding na-hold ang nasabing demolisyon at ipatutupad na ito ng korte sa September 6, 2011.

Humingi na rin ng tulong kay Mayor Enrico Echiverri sina Gng. De Jesus para sa kanilang problema.

(ROMAN MAGPOC).

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.