Sigalot sa Zambo, Tatalakayin sa OIC-MNLF Talks

TATALAKAYIN SA mangyayaring pulong ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) ngayong linggo ang nangyaring madugong sa Zamboanga City standoff incidents sa pagitan ng MNLF at government security forces.

Base sa report, dadalo mismo sa nasabing OIC-Council of Foreign Ministers talk si MNLF founding chairman Nur Misauri.

Ang nasabing pulong ay gaganapin sa Conakry, Western Africa sa Disyembre 9-11.

Matatandaan na una na ring sinampahan ng kasong rebelyon at International Humanitarian Law si Misuari at 80 mga tauhan nito na may kilamanan sa nangyaring standoff incident sa pagitan ng government security forces noong Setyembre.

Sa panig ng Palasyo, unang ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na wala umanong epekto sa tripartite review process ng MNLF Final Peace Agreement ang mga kasong kinakaharap ni Misuari.

Sinabi pa ng kalihim na tuloy pa rin ang nasabing pagpapatupad ng peace agreement at review rito kahit wala na si Misuari.

Samantala, una nang nag-commit ang Indonesia sa Pangulong Noynoy Aquino III ng buong suporta sa konklusyon ng tripartite review process sa MNLF Final Peace Agreement.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.