Siga na Nagwawala, Sugatan sa Baril ng Pulis

SUGATAN ANG isang siga matapos barilin ng isa sa mga pulis na rumesponde nang magwala ang una sa Navotas kahapon ng umaga.

Matapos lapatan ng lunas ang tama ng bala sa kanang paa ay isinelda na si Sonny Flores, nasa hustong gulang ng North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng umaga, nanghahabol ng saksak ang suspek sa nasabing lugar na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay hindi sumuko ang suspek at tinangka pang putukan ang mga pulis kung saan isa sa mga huli ang bumaril sa paa ng biktima.

Hindi na nakapalag ang suspek nang bitbitin at nakuha ang kalibre .38 at patalim ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.