Sidewalk Vendors Sa Baclaran, Itinaboy Na Ng MMDA

 

TULUYAN NANG pinaalis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga iligal na nagtitinda sa Baclaran.

Halos 200 miyembro ng Sidewalk Clearing at Baklas Billboard teams ang nagpaalis sa mga nakapuwestong sidewalk vendors sa Service Road ng Roxas Boulevard mula sa tapat ng simbahan, Redemptorist Street at sa ilalim ng Light Rail Transit (LRT) station.

Ang ilang naka-puwesto sa gilid ng Redemptorist Road ay nagkusa namang magbaklas ng mga tolda na lagpas sa daan.

Matapos maalis ang mga vendor, agad na ring binomba ng tubig at sinabon ang mga sidewalk sa palibot ng simbahan sa Baclaran.

Sinabi ni MMDA Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) Head Maximo Dilla na magtatalaga na sila ng nasa 60 MMDA personnel sa mga naturang kalye upang hindi na bumalik ang mga nagtitinda.

Nakipag-ugnayan na rin anya sila sa Barangay Baclaran upang magtuluy-tuloy ang pagbabantay sa nasabing lugar.

Mahigpit na ring ipagbabawal ng MMDA ang anumang paglalagay ng flea market at kailangan aniyang kumuha ng clearance sa MMDA ang lokal na pamahalaan kapag may mga programa itong magpapahintulot sa mga tindero na pumuwesto muli lalo’t papalapit na ang Kapaskuhan.

Una nang dinagsa ng reklamo ang MMDA na hindi madaananan ang Service Road, Redemptorist St. at Taft Avenue sa ilalim ng LRT- Baclaran Station dahil sa mga nakapuwestong sidewalk vendors. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.