Sidewalk vendor, gatasan ng Caloocan RDPSTM

GINAGAWA UMANONG GATASAN ng Caloocan City Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) ang mga nagkalat na sidewalk vendor na nagsisilbing harang o obstruction sa mga dumadaan na publiko.

Sa harapan ng Araneta Mall na makikita sa bisinidad ng Monumento Circle ay namumulaklak ng mga sidewalk vendor at gayundin sa kahabaan ng Rizal Avenue pa-puntang Maynila na nagiging dahilan umano ng araw-araw na problema sa trapiko at iba pang nangyayaring kaguluhan.

Ang mga sidewalk vendor na ito ay pinagkikitaan umano ng malaking halaga ng mga tiwaling tauhan ni Al Sta. Maria, hepe RDPSTM na sanggang dikit naman umano ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri.

Ang bawat sidewalk vendor na nasa gilid at harap na bahagi ng Araneta Mall ay sinisingil ng P30,000 bilang ‘royalty fee’ at P18,000 kada buwan bilang upa.

Ang mga taong ito ay ang nasa-likod din umano ng pagkalat ng illegal vendors sa mga matataong lugar sa Monumento na kanya rin nilang pinagbabayad ng ‘tong’, bukod pa sa kaliwa’t kanang illegal terminals sa lugar.

Multi-million tong racket ang pumapaloob sa buong paligid ng Monumento at ito ang dahilan kung bakit ang lugar ay ‘di malinis-linis sa mga ‘illegal’ dahil sa protection ng mga taong ito.

Sa kaganapang ito ay walang ginagawa ang pamahalaan ni Enrico Echiverri para mabuwag at malinis ang mga ‘illegal’ dito.

Dahil ‘di kumikilos, ang liderato ni Echiverri laban sa mga illegal sa kanyang lugar ay muling hinamon ni Vice Mayor Egay Erice na pansamantalang mag-leave, kahit dalawang linggo lang, pangako ko, malilinis ko, aniya, ang Monumento. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sidewalk vendor, gatasan ng Caloocan RDPSTM

Leave a Reply

Your email address will not be published.