Side ni Kathryn Bernardo na palaban, lumalabas sa ‘La Luna Sangre’

Kathryn Bernardo sa La Luna Sangre

MARAMI ang nag-aakala noong una na lalampa-lampa at hindi kakayanin ni Kathryn Bernardo ang role niya bilang si Malia, ang itinakda, sa La Luna Sangre pero nagkamali sila.

Base sa mga nakaraang episode ng epic serye ng ABS-CBN ay pinatunayan ni Kathryn na hindi lang puro mahinhin roles ang kaya niyang gampanan. Puwede rin pala siyang mag-action at ipakita ang “the other side of her” na palaban.

Wala ring pakialam ang sweetheart ni Daniel Padilla sa isang episode ng La Luna kesehodang magmukha siyang lalaki sa pagsusuot ng maikling wig para mag-disguise at makaiwas sa mga bampira na pinamumunuan naman ni Richard Gutierrez.

Sabi nga nila, she’s not just a pretty face but also an actress. Wow naman.

Samantala, marami ang biglang namamatay na artista sa sagupaan ng lobo at bampira sa La Luna Sangre kaya panay din ang pasok ng bagong cast.

Kamakailan lang ay pumasok si Albert Martinez sa flashback scenes ng epic serye at nung Lunes ay napanood naman si Sylvia Sanchez. Sabi ng mga taga-Star Creatives, marami pang mga papasok na karakters sa serye at dapat daw itong abangan ng televiewers.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.