Sid Lucero, napansin sa International Emmy Awards!

Kung last year ay si Angel Locsin ang napansin ng International Emmy Awards para sa teleseryeng Lobo, ngayon naman ay si Sid Lucero ang may pag-asang makabingwit ng parangal sa nasabing award-giving body. Ang pagganap ni Sid bilang Red, ang kinakapatid ng karakter ni Jericho Rosales na naging rebelde sa serye ang nagpahanga sa mga hurado. Nominado rin ang Dahil May Isang Ikaw bilang Best Telenovela. Marami ang umaasang maiuuwi ng binatang anak ni Mark Gil ang parangal dahil hindi naman talaga maikakaila ang talentong ipinamalas nito sa nasabing soap opera.

MERYLL SORIANO, MAG-AARAL NA SA LONDON

Next year ay nakatakdang pumunta sa London ang anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano para mag-aral sa isang fashion school. Tatlong buwan lang naman ang ilalagi ng aktres doon. Ayon sa boyfriend niyang si Joem Bascon, gagawin nila ang lahat ng paraan para maging okey ang kanilang relasyon. Nasabi pa nga nito na lahat ng online and offline ways para makapag-communicate sila ay kanilang gagawin. Kung kinakailangan pa raw sumunod ni Joem ay gagawin nito para sa kasintahan. Ang suwerte naman ni Meryll kay Papa Joem, ‘noh?

BEA ALONZO, SINISIRAAN SA TWITTER!

Nakakaloka ang natanggap naming Direct Message sa Twitter tungkol sa kumakalat na ‘Bea Alonzo’ sa nasabing social networking site. Sabi ng ating mga kaparazzi, ang taong nagpapanggap daw bilang si Bea ay naninira ng mga kapwa niya artista. May suspetsa ang ilang tagahanga kung sino ang gumagawa ng fake accounts at halatang gustong pabagsakin ang aktres. Imposibleng gumawa ng isang public account ang katulad ni Bea na kilala sa pagiging maayos at walang hilig sa pagse-cellphone o internet.

ROCCO NACINO, AYAW MATALI SA ISANG LOVETEAM

Kung siya ang masusunod, mas gugustuhin ni Rocco Nacino na wala siyang ka-loveteam para makatanggap siya ng maraming proyekto. Ang Starstruck V graduate at Cosmo Bachelor ang isa sa leading man ngayon ni Kris Bernal sa Koreana, na ipalalabas na sa Lunes ng hapon. Maraming tagahanga ang nag-request noon na sana’y pagsamahin sila sa isang proyekto. Ngayon ay magkakatotoo na ito. Si Steven Silva naman ang magiging karibal nito sa nasabing palabas. Si Rhian Ramos naman ang ka-partner nito sa Kaya ng Powers at si Lovi Poe naman ang makakasama niya sa isang Love Bug episode.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.